Happy Birthday in Tagalog

Happy Birthday in Tagalog

facebook-share

Here are some tagalog birthday greetings for you if you wish to greet your Filipino friend or loved ones in their dialect. Filipinos love to celebrate. Be it birthdays, Christmas or wedding, etc – they seem to have this festive mood to celebrate. Birthdays are an important part of every Filipino celebration. So if you wish them a Happy birthday in tagalog, they would surely be delighter. Here are some of the best tagalog birthday messages that I would like to share to you. You may include these tagalog birthday wishes in your cards or gift tags,

Best Tagalog Birthday Greetings

Looking for the best birthday messages written in Filipino? Then this section is for you. Here are some samples of tagalog birthday greetings that are great for cards, gift tags, notes and others. Enjoy!

tagalog-birthday-greetings-for-sister

Maraming Salamat sa lahat ng nagawa mo para sa akin.
Lubos akong natutuwa dahil nagging parte ka ng akin buhay.
Ngayong kaarawan mo,
wala akong mahihiling kung hindi
ang iyong kaligayahan at tagumpay.
Maligayang Kaarawan.

Sa taong lubos na naging malapit sa akin,
Sa taong naging mahalagang parte ng aking buhay.
Nais kitang batiin ng Maligayang Kaarawan.
Sana ay maging Masaya ka. Happy birthday!

Wala man akong regaling maihahandog sa iyo,
Nais ko lang malaman mo,
Na lubos kitang binabati sa kaarawan mo,
At humihiling na sana ay matupad ang lahat ng kahilingan mo.
Maligayang Kaarawan sayo!

Sa espesyal na araw na ito,
wala akong ibang hiling para sayo kundi maging maligaya ka nawa.
Happy Birthday, to you!

Sa aking pinakamamahal na kaibigan, maligayang kaarawan sayo.
Sana magcelebrate ka pa ng mas maraming pang birthday.
Happy birthday sa iyo!

Magtagumpay ka nawa sa buhay at karerang iyong napili. Lagi lang akong naririto para sayo. Suportahan taka. Maligayang kaarawan sayo!

Sana ay matupad ang lahat ng iyong hiling sa buhay.
Maging masaya ka at wag kang magpapatalo sa mga suliranin sa buhay.
Manatili kang matatag.
Maligayang kaarawan sayo!

YOU MIGHT ALSO WANT TO READ

Birthday Greetings in Tagalog for Dad

Dads are special for us. Make him feel it by showing your affection and care on his birthday using these tagalog birthday wishes.

birthday-greetings-in-tagalog-for-dad

Papa, salamat sa iyong pagmamahal at pag-aaruga,
Salamat sa suporta at pagbibigay mo sa amin ng magandang buhay.
Labis akong nagpapasalamat sa Diyos sahil binigyan ako ng Amang gaya mo.
Mahal na mahal kita.
Happy Birthday!

* * * * * * * * * * * * * * *

Sa iyong kaarawan, hinihiling ko sa Maykapal,
Na sana ay manatili kang malusog at masigla.
At sana matupad ang iyong mga hiling.
Mahal ka naming, Aming ama.
Maligayang Kaarawan.

* * * * * * * * * * * * * * *

Sa pinakaguwapo, pinakamabait at pinakaprotective na Tatay sa buong Mundo!
Maligayang Kaarawan sayo!
Sa susunod na taon na ang regalo ha.
Tyaga ka na muna ditto sa munting card ko.
Happy Birthday!

Tagalog Birthday Messages for Mother

tagalog-birthday-greetings-for-wife
Para sa aking napakabuting Nanay,
Maligayang Kaarawan sayo.
Kulang ang regalo at card para maipadama ang aking pagmamahal at pasasalamat.
Maligayang Kaarawan sayo, Nanay!

* * * * * * * * * * * * * * *

Nanay, alam kong naging pasaway akong anak sayo,
Minsan ay sinusuway ang mga utos at payo mo.
Pero kahit ganon, sa aking puso, naririto ang pagmamahal ko para sayo.
Maligayang Kaarawan sayo.

* * * * * * * * * * * * * * *

Mama, di ko man lagi napapakita at napapadama,
Pero lubos akong nagpapasalamat sa lahat.
Sa pang-unawa at suporta, sa pagmamahal at pag-aaruga,
Tunay ka ngang bukod tangi sa lahat.
Mahal na Mahal kita
Maligayang Kaarawan

Tagalog Birthday Greetings for Wife

Bawat araw sa piling mo ay espesyal.
Makita lang kita, ako ay masaya na.
Paano pa kaya kung ikaw ay mahagkan na?
Maligayang Bati Mahal!

* * * * * * * * * * * * * * *

Para sa pinakamabait, pinakamalambing at pinakamapagmahal na asawa,
Maligayang Kaarawan. Mahal na mahal kita.

* * * * * * * * * * * * * * *

Ikaw ay mananatiling nag-iisa sa aking buhay
Mahal na mahal kita.
Happy Birthday

* * * * * * * * * * * * * * *

Ikaw lang ang tangi kong mamahalin habang buhay.
Napakaswerte ko dahil ako ang pinili mong makasama bilang iyong asawa
Mahal kita, asawa ko.

Tagalog Birthday Greetings for Husband

tagalog-birthday-greetings

Salamat sa pag-aalay mo ng iyong buhay at buong pagkatao sa akin. Mahal na mahal kita. Maligayang Bati sa iyo!

* * * * * * * * * * * * * * *

Sa araw na ito, nais kong malaman mo kung gaano ka kahalaga sa akin.
Nais kong mabatid mo kung gaano mo ako
napapasaya sa bawat araw na tayo ay magkasama.
Maraming Salamat.
Maligayang Kaawaran sa iyo, mahal ko.

* * * * * * * * * * * * * * *

Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko,
Salamat sa pagmamahal mo.
Happy Birthday!

Tagalog Birthday Greetings for Sister

On your sister’s birthday, send her the best birthday wishes in tagalog. Out of words and ideas? I’m here to help you. Feel free to use below samples.

Sobrang bait mo na kapatid.
Sa araw ng iyong pagsilang,
sana bigyan ka ng Diyos ng maraming biyayang ikatutuwa mo.
Maligayang Kaarawan!

* * * * * * * * * * * * * * *

Ikaw ang pinakamabait, pinakamalambing, pinakamagandang Ate sa buong mundo.
Dahil jan, blow-out ka naman!
Maligayang Kaarawan sayo, Ate!

* * * * * * * * * * * * * * *

Para sa aking Mahal na kapatid,
Kulang ang salita para ipadama sayo ang aking pagmamahal,
Maraming salamat at maligayang kaarawan sayo!

Tagalog Birthday Greetings for Brother

We listed some of the most special tagalog birthday greetings and tagalog birthday wishes specially for your dear brother. Feel free to post these birthday messages to his social media profile like Facebook and Twitter.

best-birthday-wishes-in-tagalog

Kuya, salamat sa pagtatanggol mo sa akin,
Hindi ko Makita ang aking sarili na wala ka,
Maligayang kaarawan sayo.

* * * * * * * * * * * * * * *

Para sa pinakamabait na kapatid,
Maligayang Kaarawan sayo,
Ano bang gusto mong regalo?
Kaso baka sa susunod na birthday ko na lang maibigay sayo.
Biro lang, Maligayang Kaarawan!

* * * * * * * * * * * * * * *

Lahat ng pinaka, nasa sayo na.
Pinaka-guwapo, pinaka-mabait, pinaka-matalino.
Pero sikreto lang nating ito.
Bakit ko sinasabi ito?
Syempre, dahil kapatid mo ako at birthday mo.
Maligayang Kaarawan sayo!

Tagalog Birthday Greetings and Quotes for your Bro, Kuya, Bunso!

Maligayang Bati Kuya!
Salamat sa pagbabantay mo sa akin palagi.

Maligayang Kaarawan!
Sana ngayong kaarawan mo ay maging masaya ka.

Ngayong kaarawan mo, hiling ko na sana matupad ang anumang naisin mo.

Sana maging maganda at matagumpay ang bagong taon ng iyong buhay.
Nais kong malaman mo na ako ay sobrang natutuwa na ikaw ay naging kapatid ko.

Pangako ko na magiging mas mabuti at mabait na akong kapatid para sa iyo.
Sana manatili kang modelong kapatid para sa akin.
Maligayang Bati sa iyo!

Ang bawat kaarawan ay biyaya na sa atin ay kaloob.
Dapat lang na ito ay ipagdiwang at ikatuwa.
Maligayang Kaarawan sa iyo!

Sana ikaw ay maging mas masigla at malusog upang ako ay mas mabantayan mo pang lalo. Maligayang Bati sa iyo!

Maligayang Kaarawan sa pinakamabait na kapatid sa buong mundo!
Ako ay masaya na ikaw ay aking kapatid.

Ikaw ang pinaka-astig na kuya sa balat ng lupa!
Happy Birthday Bro!

Birthday Greetings in Tagalog for a Friend

Happy, Happy, Happy Birthday!
Sayo ang ang pagkain, kami ang kakain!
Happy, Happy, Happy Birthday!
Sana ay mabusog mo kami!
Maligayang Kaarawan sayo!

Nais kong malaman mo na napakasuwerte ko
sa pagkakaroon ng isang kaibigang gaya mo.
Pangako ko na lagi lang ako nandito sa iyong tabi.
Maligayang Kaarawan!

Tagalog Birthday Greetings for Grandfather

Maligayang Kaarawan Lolo, Grandpa, Popsy, Granny

Alay ko sa iyo Lolo ang aking paggalang at pagmamahal.
Sana ngayong kaarawan mo ay maging masaya ka sa piling naming mga apo mo.
Maligayang Bati sayo, Lolo

Sana biyayan ka ng Diyos ng kalusugan at mahabang buhay upang tayo ay magsama pa ng mahabang panahon. Maligayang Bati Lolo!

Maligayang Kaarawan Lolo!
Natutuwa akong ipaalam sa iyo na ang aking puso ay umaapaw sa pasasalamat dahil ikaw ay laging nandyan para sa akin. Salamat po!

Sadya ba talagang malambing ang mga Lolo o ito ay talagang natural lang sa iyong pagkatao. Kung anuman, nais ko na ipaalam sa iyo na nagpapasalamat ako sa iyong tunay na pagmamahal. Maligayang Bati!

* * * * * * * * * * * * * * *

Ang buhay ay mas makahulugan dahil ito ay aming ginugugol habang ikaw ay nasa aming piling Lolo. Maligayang Kaarawan!

* * * * * * * * * * * * * * *

Nasasabik ako na ikaw ay mamasdan ko palagi.
Ang iyong kabaitan at kababaang-loob ay tunay na kahanga-hanga!
Maligayang Bati po!

* * * * * * * * * * * * * * *

Sa bagong yugto na namang ito ng iyong buhay,
hiling ko na sana ikaw ay manatiling malakas at masigla.
Maligayang Kaarawan sayo, aking Lolo!

* * * * * * * * * * * * * * *

Alay ko sa iyo Lolo ang aking paggalang at pagmamahal.
Sana ngayong kaarawan mo ay maging masaya ka sa piling naming mga apo mo.
Maligayang Bati sayo, Lolo

* * * * * * * * * * * * * * *

Sana biyayan ka ng Diyos ng kalusugan at mahabang buhay upang tayo ay magsama pa ng mahabang panahon. Maligayang Bati Lolo!

* * * * * * * * * * * * * * *

Maligayang Kaarawan Lolo!
Natutuwa akong ipaalam sa iyo na ang aking puso ay umaapaw sa pasasalamat dahil ikaw ay laging nandyan para sa akin. Salamat po!

Tagalog Birthday Greetings for Grandmother

Tagalog Birthday Greetings for Lola, Grandma, Granny

Maligayang Bati Lola! Sa araw na ito dalangin ko na ikaw ay magkaroon ng mas malakas na pangangatawan upang mamasdan mo pa ang aking paglaki.

* * * * * * * * * * * * * * *

Lola, Maligayang Kaarawan sa iyo!
Isa kang mabuting tao kaya tanggapin mo ang aming munting handog para sa iyo.

* * * * * * * * * * * * * * *

Hindi ko lubos-maisip kung paano na ang buhay kung wala akong Lola na kasing asikaso mo. Salamat sa iyong walang sawang pag-aaruga sa aming mga apo mo. Maligayang Bati sa iyo!

* * * * * * * * * * * * * * *

Walang katumbas ang iyong dalisay na pagmamalasakit sa amin.
Sana pagtanda ko, maging gaya mo ako Lola.
Maligayang Kaarawan!

* * * * * * * * * * * * * * *

Hindi ako magsasawang makinig sa mga kwento ng iyong buhay dahil alam ko na mayroon akong mga aral na mapupulot buhat sa mga iyon. Narito lang ako para makinig sa iyo palagi. Masayang Kaarawan para sa iyo!

* * * * * * * * * * * * * * *

Ang buhay ko ay magiging malungkot kung wala ka.
Nais ko na laging marinig ang iyong boses at maramdaman ang haplos ng iyong pag-aaruga. Maligayang Bati po!

* * * * * * * * * * * * * * *

Biyaya ka sa aming lahat. Tanggapin mo rin sana ang aming pag-aalaga sa iyo na gaya ng ipinakita mo sa amin. Maging maligaya ka nawa sa iyong kaarawan!

* * * * * * * * * * * * * * *

Paborito ko ang lahat ng mga niluluto mong pagkain Lola.
Ngayong iyong kaarawan, ako naman ang maghahain sa iyo ng mga handa
na aking natutunan mula sa iyo. Sana ay magustuhan mo.

* * * * * * * * * * * * * * *

Lola, Maligayang Kaarawan sa iyo!
Isa kang mabuting tao kaya tanggapin mo
ang aming munting handog para sa iyo.

* * * * * * * * * * * * * * *

Paborito ko ang lahat ng mga niluluto mong pagkain Lola.
Ngayong iyong kaarawan, ako naman ang maghahain sa iyo ng mga handa
na aking natutunan mula sa iyo.
Sana ay magustuhan mo.

Happy Birthday in Tagalog

Happy Birthday in TagalogSo you want to greet someone a Happy birthday in tagalog? Keep it heartwarming and inspirational with these happy birthday messages in tagalog language. We compiled the best tagalog birthday greetings that you can send to your family and special someones. These tagalog birthday messages will help you convey your warmest Happy birthday wishes.  Your loved ones would surely love the thoughts of being remembered on their birthday. With happy birthday wishes filled with love and care, their birthday will be extra special.

YOU MIGHT ALSO WANT TO READ:

How to say Happy Birthday in Tagalog

Please find some wonderful tagalog birthday wishes

happy-birthday-greetings-tagalog-for-him

  1. Isa ka sa mga espesyal na tao sa aking buhay,
    At dahil birthday mo, malilimutan ko bang batiin ka?
    Sana ay lagi kang pagpalain ng Diyos
    At sana ay matupad lahat ng iyong hiling.
    Happy Birthday sayo!
  2. Kahit na minsan ika’y sumpungin,
    Kahit na palaging masungit sa akin,
    Wala na akong iba pang iibigin,
    Pagkat wala ng iba pa, para sa akin.
    Happy Birthday, mahal ko!
  3. Wala man akong maibigay na mamahaling regalo,
    Nais ko lang malaman mo,
    Na kalakip ng pagbati kong ito,
    Ay ang pagmamahal ko para sayo.
    Happy birthday, sweetheart!
  4. Pakiramdam ko, ako ang pinakaswerteng tao sa mundo.
    Pano ba naman, kasama ko ang nakapabait at napakamapagmahal na kabiyak.
    Maraming Salamat sa suporta at pagmamahal.
    Happy birthday!
  5. Ngayong birthday mo,
    Gusto kong maging Masaya ka, maibigay sayo ang iyong mga hiling,
    Nangangako akong ikaw lang ang iibigin.
    Mahal na mahal kita.
    Happy Birthday!

Happy Birthday in Tagalog

Happy Birthday in Tagalog

Maligayang Bati!
Ngayon ang araw na tayo ay dapat magdiwang.
Sana maging mas masaya at matagumpay ka pa sa iyong buhay.

* * * * * * * * * * * * * * *

Sa lahat ng kabutihang ipinamalas mo marapat lamang na ikaw ay bigyan ng isang espesyal na handog sa araw na ito ng iyong kaarawan. Halina at tayo ay magdiwang!

* * * * * * * * * * * * * * *

Happy Birthday!
Maraming pa sanang blessings mula kay God ang ipagkaloob sayo.
You deserve it dahil mabuti kang tao.
Maging masaya at espesyal sana ang araw na ito para sayo.

* * * * * * * * * * * * * * *

 

Ang araw na ito ay mas lalong nagiging espesyal dahil ito ay inilaan para sa iyo.
Marapat lang na ikaw ay magdiwang at magpasalamat sa panibagong taon na sa iyo ay ibinigay.

* * * * * * * * * * * * * * *

Hiling ko na sa bagong taon ng iyong buhay ay
magkaroon ka ng katatagan, kaligayahan at
nag-uumapaw na mga biyaya.
Happy Birthday!

* * * * * * * * * * * * * * *

Kaarawan mo na naman.
Gaya nung mga nakaraang taon,
ang hiling ko pa rin ay sana
matagpuan mo na ang taong inilaan ng Diyos para sa iyo.
Alam mo ba kung bakit?
Kasi malapit ka ng tumanda,
kaya dapat lang na simulan mo na
ang pagbuo ng iyong sariling pamilya.

* * * * * * * * * * * * * * *

Maligayang Kaarawan!
Ano’ng handa mo?

* * * * * * * * * * * * * * *

Wala man akong espesyal na regalo
Ang tanging hiling ko lang ngayong kaarawan mo…
Nawa’y maging masaya ka, matatag at magtagumpay.
Nawa’y manatili kang malusog at masigla.
Happy Birthday!

How to Say Happy Birthday in Tagalog

collection-of-birthday-greetings-in-tagalog-for-sister

Maligayang kaarawan sa pinakamabait, pinakamabuti at pinaka-espesyal na tao sa aking buhay.
Sana ay maging maligaya ang iyong kaarawan.
Happy Birthday!

 

Hinihiling ko para sa iyong kaarawan na sana ay pagpalain ka pang lalo ng Maykapal.
Nawa’y matupad mo lahat ng iyong mga pangarap.
Gayunpaman, manatili sana nakaapak ang mga paa mo sa lupa.
Maligayang Kaarawa sayo!

* * * * * * * * * * * * * * *

Sa araw na ikaw ay isinilang, nawa’y patuloy kang pagpalain.
Malusog na pangangatawan, masayang pamilya at matagumpay na karera sa buhay.
Sana ay palagi kang maging masaya.
Maligayang Kaarawan!

Happy Birthday in Tagalog for Sister

Your sister is an important person in your life. Make her feel special, appreciated and loved on her day by uttering a special set of birthday greetings. Here are some tagalog birthday wishes and tagalog birthday messages that you can send to your sister on her birthday.

Happy Birthday in Tagalog for Sister, Ate, Kapatid

Sana ikaw ay magkaroon ng madaming regalong tiyak kong makakapagpangiti sa iyo ng todo. Maligayang Bati Ate!

* * * * * * * * * * * * * * *

Sa iyong kaarawan, pagbati ko ay iyong tanggapin.
Ang isang mabuting kapatid na gaya mo ay dapat lang na ipagpasalamat
at ipagdiwang ang pagdating sa aming buhay.

* * * * * * * * * * * * * * *

Dalangin ko na ikaw ay manatili bilang isang maunawain at mapagbigay na kapatid. Ikaw ay aking huwaran. Maligayang Bati!

* * * * * * * * * * * * * * *

Ngayon ay ang iyong kaarawan kaya tayo ay magsaya at magdiwang.
Handog ko ang isang hiling na sana matupad ang lahat ng iyong pangarap sa buhay.
Maligayang Kaarawan!

* * * * * * * * * * * * * * *

Napakasuwerte ng ating mga magulang dahil sila ay nagkaroon ng isang responsableng anak na gaya mo. Kami naming mga kapatid mo ay lubha ding mapalad sapagkat mayroon kaming kapatid na kasing bait na gaya mo. Maligayang Bati sa iyo!

* * * * * * * * * * * * * * *

Halina at simulan ang iyong kaarawan ng isang panalangin upang ikaw ay laging gabayan at basbasan ng ating Panginoon. Maligayang Kaarawan!

Do you want to send your own tagalog birthday wishes for friends or loved ones? Share your own birthday messages in tagalog in our section. Feel free to comment below and get your birthday SMS wishes in filipino here and on Facebook!

Leave a Reply