A collection of birthday wishes, Christmas greetings, holiday wishes, Anniversary wishes, party invitation wordings, quotes, poems, greeting card wordings, SMS and text messages greetings

Tagalog Birthday Wishes




VN:F [1.9.22_1171]
Rating: 3.0/5 (13 votes cast)

Tagalog Birthday Messages for Wife

When was the last time you utter romantic Tagalog Birthday Messages for Wife or  Tagalog romantic love messages to your wife? Can’t remember anymore? On her birthday, take the chance of making her feel remembered and loved by Sending a Special Birthday Gift and saying romantic tagalog birthday wishes as you give your special gift to her. You may use these samples of kaarawan mensahe para sa asawa and tagalog birthday greetings for her birthday.

Happy Birthday in Tagalog for Her

Ang iyong kamay ang aking hawakan sa bawat sandali na ako ay nalulumbay.
Sa iyong balikat ako sumasandal kapag kailangan ko ng lakas.
Salamat sa iyo. Maligayang Pagbati sa iyong Kaarawan!

Kasama mo ako sa pagbukas ng panibagong taon ng iyong buhay. Pangako na ito ay magiging isa na namang buong taon na puno ng pagmamahal, tuwa, at tagumpay para sa iyo, sa ating dalawa, at sa ating pamilya!

Salamat sa pag-aalaga mo sa akin at lalo’t higit sa pagkakaroon mo ng bukas na pag-iisip upang ako ay laging unawain. Mahal na mahal kita. Maligayang Bati sa iyo!

Mahal, ngayong kaarawan mo, wala akong ibang regalo sa iyo kundi ang aking wagas na pagmamahal na tanging sa iyo ko lamang ilalan. Maligayang Kaarawan sa iyo!

Hindi ko man laging nasasabi o naipaparamdam sa iyo kung gaano kita kamahal, ngayong kaarawan mo, gusto ko na lagi mo ilagay sa isip at puso mo ang aking nag-uumapaw na pag-ibig para sa iyo. Hayaan mo at aking susubukan ang lahat upang maging malambing na tao kagaya mo. Maligayang Kaarawan sa iyo!

Nais kong malaman mo na lubos akong nagpapasalamat
sa pagmamahal, sa pang-unawa at pag-aasikaso mo sa akin.
Wala na akong mahihiling pa ngayong kasama na kita.
Mahal na mahal kita, Maligayang Kaarawan.

Para sayo aking mahal,
Wala akong ibang masabi kundi salamat,
Salamat sa lahat ng pagmamahal, pagtitiis at paggabay mo sa akin,
Di ako perpekto pero tinanggap mo kung ano ako.
Mahal na mahal kita, Maligayang Kaarawan sayo, mahal ko.

Sa tuwing tayo ay magkasama,
Naiisip ko na masyado akong pinagpala ng Diyos,
Bakit hindi? Ibinigay Niya sa akin ang taong matagal kong hinanap sa aking buhay.
Masaya ako dahil napili mo akong maging kasama habang buhay.
Maligayang Kaarawan sayo, mahal ko.

Bago tayo nagsama, marami akong pangako na ibinigay sa iyo.
Aminado akong iba sa mga iyon ay di ko natupad.
Pero sana tandaan mo na kahit magkagayon, pipilitin kong maging mabuting asawa sayo.
At patuloy kitang mamahalin.
Happy Birthday, Honey!

Mahalan, Tampuhan, Kwentuhan, at masayang Samahan,
Lahat ng ito ay sadyang kumokompleto sa aking buhay.
Maraming Salamat dahil ako ang iyong napili upang maging kabiyak.
Maligayang Kaarawan sayo!

Tagalog Birthday Messages for a Friend

This birthday messages in tagalog section contains maligayang kaawaran quotes and happy birthday in tagalog wishes. These include tagalog birthday messages for friends who are also our family. Shower them with special birthday greetings in tagalog that they would surely love to hear from you. Smile and celebrate with them as you express these friends tagalog happy birthday. Here are some birthday wishes and birthday messages in tagalog language that you can use.

Maligayang Kaawaran Quotes

Para sa aking kaibigan,
hiling ko na maging masaya ka sa araw na ito.
Kalimutan ang problema at tayo ay magsaya!

Kaibigan, laging maasahan,
Nariyan sa kahirapan man o kaginhawaan. Hinding hindi nang-iiwan.
Kaya naman sa iyong kaarawan, hayaan mong ikaw ay aking handugan.
Ng munting regalo at kaunting handaan.
Maraming Salamat Kaibigan at Maligayang Kaarawan!

Maraming salamat sa tawanan at kasiyahan na idinulot mo sa akin.
Walang kapantay na ligaya ang aking nararamdaman pag ikaw ay aking kasama.
Lubos ang aking pasasalamat sa Diyos dahil napili ka niya upang maging kaibigan ko.
Sa iyong kaarawan, ang hiling ko para sayo ay maging maligaya ka at matagumpay sa iyong buhay.
Maligayang Kaarawan sayo!

Parang kelan lang, mga barkada sa high school at tropa sa college,
Ngayon, mga may asawa na at mga anak, pero heto pa rin tayo at magkakaibigan.
At para sa aking pinakamatalik at pinaka-astig na kaibigan. Happy Birthday!
Painom ka naman!

Happy, Happy, Happy Birthday!
Sayo ang ang pagkain, kami ang kakain!
Happy, Happy, Happy Birthday!
Sana ay mabusog mo kami!
Maligayang Kaarawan sayo!

Maligayang Kaarawan sa aking kaibigan,
Na laging nariyan, sa lungkot man o kaligayahan.
Lubos akong nagpapasalamat, dahil hindi niya ako iniwan,
Kaya ang aking hiling para sa kanyang kaawarawan,
Lubos niyang makamtan ang tagumpay at kaligayahan.

Happy Birthday in Tagalog

Maligayang Bati sa iyo aking kaibigan.
Hangad ko na maging masaya ka at punung-puno ng sigla sa araw na ito!
Maligayang Kaarawan!

Maligayang Kaarawan sa iyo!
Salamat sa pagpaparamdam mo sa akin ng sayang dulot ng pagkakaroon ng isang tunay na kaibigan.

Hiling ko sa espesyal na araw na ito na ikaw ay manatiling mabait, masayahin at malusog.
Maligayang Bati aking kaibigan!

Nais kong malaman mo na napakasuwerte ko sa pagkakaroon ng isang kaibigang gaya mo.
Pangako ko na lagi lang ako nandito sa iyong tabi.
Maligayang Kaarawan!

Sa araw na ito nais kong ipaalam sa iyo kung gaano ako natutuwa dahil tayo ay magkaibigan. Hiling ko na patuloy kang maging biyaya sa akin at sa lahat ng iyong mga kaibigan. Maligayang Bati sa iyo!

Ano pa ang hinihintay natin?
Umpisahan na ang inuman!
Maligayang Kaarawan!

Kaibigan ko, ikaw ay tunay na napakabuting tao.
Di mo ko iniwan sa lahat ng laban ko sa buhay.
Pangako ko na ako ay patuloy na magiging kaibigan mo.
Maligayang Bati!

Want to greet your Filipino friends? Share your own tagalog birthday messages and wordings here. Your comments and tagalog greetings for birthday will be posted here and on Facebook. Let the world know. Spread the love and share your feelings for your special friend.

Tagalog Birthday Wishes for Dad

Your Dad’s going to have his birthday? They may appear tough, strong and not-so-sensitive, a heartfelt birthday wishes ( Maligayang kaarawan ama) uttered by his daughter/son would surely melt their solid heart. Make them feel more special by saying these tagalog birthday greetings and tagalog birthday messages.

 

Happy Birthday in Filipino for your Dad, Tatay, Itay, Papa

Aking hiling sa araw na ito na ikaw ay magkaroon ng labis na ligaya. Maligayang Bati sa iyong Kaarawan Papa!

Itay, ikaw ay isang matatag ng haligi ng tahanan.
Hiling ko na ikaw ay pagkalooban pa ng malakas at malusog na pangangatawan.
Maligayang Bati!

Maligayang Kaarawan sa iyo Tatay!
Sana maging masaya ka sa araw na ito.

Handog ko ang isang taimtim na panalangin para sa iyo.
Sana sa araw na ito ikaw ay maging mas maligaya.
Masayang Kaarawan po!

Ang araw na ito at ang mga susunod pang araw nawa ay maging puno ng kasiyahan at kalusugan para sa iyo. Maligayang Kaarawan!

Tatay ikaw ang nagbibigay sa amin ng lahat ng aming mga pangangailangan.
Hinahangaan ko ang kawalan mo ng pagod sa pagtatrabaho.
Sa araw na ito, ikaw naman ay magpahinga
at damhin mo ang aming aruga at pagmamahal sa iyo!

Maligayang kaarawan sa pinakamabait, pinakamasipag at pinakagwapong Tatay sa balat ng lupa!

Papa, maraming salamat sa lahat ng ginawa at gagawin pa para sa ating pamilya.
Lubos ang aking pasasalamat dahil lagi kang nariyan para sa amin.
Maligayang Kaarawan po sa iyo, Papa!

Tagalog Birthday Wishes for Mom

Wish your mom a happy birthday in tagalog language. It’s made easy with these tagalog birthday greetings for mom that we’ve compiled for your usage. Feel free to copy and write these birthday message for mother tagalog to your birthday cards, birthday gift tags and flower arrangement notes. You can also send these birthday greetings in tagalog to facebook walls and twitter tweets.

Maligayang Kaarawan Aking Ina, Mama, Nanay, Mommy!

Maligayang Bati po! Nagpapasalamat po ako dahil ikaw ang Nanay na ibinigay ng Diyos sa akin.

Maligayang Kaarawan Mama! Sana bigyan ka ng Diyos ng malusog at malakas na pangangatawan.

Hiling ko po na sa araw na ito ng iyong kaarawan, ikaw ay magkaroon ng mahabang buhay para tayo ay mas matagal pa na maging magkasama.

Maraming Salamat sa patuloy na pag-aalaga mo sa amin. Sa araw na ito tayo ay magdiwang.

Pasensya na po sa katigasan ng aking ulo at madalas na sa pagsuway sa mga utos mo. Sa iyong kaarawan, ako ay nangangakong magpapakabait para naman mabigyan kita muli ng mga ngiti sa iyong mga labi.

Hindi ko man laging sinasabi, pero sa araw na ito nais ko na malaman mo na mahal na mahal kita Nanay. Ikaw ang nagbibigay sa akin ng lakas at ispirasyon para mag-aral ako ng mabuti. Maligayang Kaarawan po!

Nanay napakabuti mo. Sa araw na ito ng iyong kaarawan, hiling ko na ikaw ay magkaroon ng mabuting kalusugan. Salamat sa pag-aalaga. Maligayang Kaarawan!

Salamat sabuhay na iyong inialay sa amin, Nanay.Tunay nga na dakila ang pagmamahal ng isang ina. Maligayang Bati sa iyo.

Kapos man tayo sa mga materyal na bagay, tayo naman ay sagana sa pagmamahalang di kailanman matutumbasan ng kahit anong halaga ng pera. Ang ating pamilya ay masaya at puno ng kulay dahil sa iyo Nanay. Maligayang Bati!

Mama, maraming salamat sa lahat, sa walang sawang paggabay at pagmamahal mo sa akin sa kabila ng katigasan ng aking ulo at pagiging pasaway. Mahal na mahal kita. Happy Birthday!

Sa pinakamaganda, pinakamabait at pinakamapagmahal na Mama sa buong universe, maligayang kaarawan sa iyo!

Mama, hindi ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon kung wala kayo. Maraming salamat sa pag-aaruga, pagmamahal at walang sawang paggabay sa akin. Sana kahit papano ay masuklian ko ang pagmamahal mo. Maligayang Kaawaran sayo, Mama!

Tagalog Birthday Wishes, 3.0 out of 5 based on 13 ratings
By annewalkerby