Tagalog Love Messages

Here’s a collection of tagalog love messages to convey your feelings to your Filipino or tagalog speaking loved ones. These love messages in tagalog consist of love words that express how important the person is to you. We include some tagalog love quotes and tagalog love wordings for you to use.

Nag-iisa ka lang sa buhay ko. Nangangako akong ikaw lamang at wala ng iba pa. Sa iba’y hindi na titingin pa. Mahal kita.

Mahal kita gaya ng pagmamahal ko sa aking sarili.
Minsan nga ay mas higit pa.

Alay ko ang aking buhay para sa iyo.
Mahal kita!

Ang pag-ibig ko ay alay para sa iyo lamang.
Sana ito ay iyong tanggapin at pahalagahan.

Ang puso ko ay puno ng pagmamahal para inyong lahat.
Nagpapasalamt ako sa Diyos dahil ako ay hinayaan Niyang mamahagi ng pagmamahal sa aking kapwa!

Naniniwala ako na makakapagbigay ka lamang ng dalisay na pagmamahal kung ikaw ay nagdaan na sa maraming kabiguan. Sana manatili ka sa aking piling magpakailan pa man.

Mahal kita gaya ng isang dyamante na pinakaiingat-ingatang tunay.
Hindi ako papayag na ikaw ay masaktan kahit kaunti lamang.

Alay ko sa iyo ang aking taos-pusong pagmamahal.
Ikaw lang ang nag-iisa dito sa aking buhay.

Ang pag-ibig ay mas matamis kung ito ay ibinabahagi sa isang taong labis mong mahal at minamahal ka din. Mapalad ako dahil tayo ay nagmamahalan.

Isang biyaya ang matutunang magmahal.
Tahimik ang mundo kung ang bawat isa ay may pag-ibig na taglay.

Ang pag-ibig ay matagumpay kung ito ay sasamahan ng tiwala at pag-asa.

Kapag ang Diyos ang nanguna sa ating buhay,
hindi tayo mhihirapang mahalin ang ating kapwa.

Matuto kang magmahal para maramdaman mo ang sarap ng pakiramdam kung paano mahalin.

Ang ating tainga, kapag pinagdikit ay hugis puso.
Ito ay upang ipaalala sa atin na sa pag-ibig,
mahalaga ang matutunan natin kung paano ang makinig.

Ang puso ay nasa gitna ng ating katawan upang matuto tayong magbalanse ng kung ano ang ating naiisip at ano ang ating pisikal na nadarama. Sana tayo ay magmahalan na taglay ang maliwanag na pag-iisip at respeto sa isa’t isa.

Tagalog Love Messages for Boyfriend

With tagalog love messages, you can now express your undying love in different language. Surprise your Filipino partner by uttering your words of love in their mother language. Here are some Filipino love messages and Filipino messages about love that you can use. Feel free to use and share these tagalog love messages to facebook and twitter.These tagalog love messages for him Can be used in facebook also

 tagalog love messages for him

Kung panaginip man ito, ayaw ko ng magising. Dahil sobrang saya ng pakiramdam ko pag kasama kita. Sana habang-buhay tayong magkasama. Mahal na mahal kita.

Dati na akong nasaktan, ngayon ay muling nagmamahal. Sana sa pagkakataong ito ay maging pang-habangbuhay na. Mahal na mahal kita.

Binigyan mo ng kulay ang dating madilim na mundo ko. Ngayon, ang nais ko lang na malaman mo. Na ikaw lang ang pinakamamahal ko. At ako’y umaasa na sana’y ganon din ako sayo. Mahal kita!

Magdilim man ang ulap,
at mawala ang mga tala,
hindi ako malulumbay.
Dahil ang buhay ko ay maliwanag dulot ng iyong tapat ng pag-ibig at pagsintang tunay.

Tamarin man akong gumawa ng takdang-aralin,
hindi naman ako mawawalan ng ganang mahalin ka.

Ayaw kong lumiban kahit minsan kasi gusto ko na lagi akong nandyan sa tabi mo para paligayahin ka.

Mahal kita dahil sa pagmamahal na iyong binigay sa akin.
Kapag kasama kita, ako ay laging masaya at puno ng buhay.

Ang buhay ko ay hindi magiging ganito kasaya kung hindi ka dumating sa buhay ko.
Salamat sa tunay na pagmamahal na pinadama mo sa akin.

Ang sarap pala ng pakiramdam ng magmahal.
Pero wala nang hihigit pa sa ligayang dulot na ikaw ay mahalin ng taong mahal mo din.
Salamat sa iyong pagmamahal!

Mahal, sana habang buhay tayong magmahalan ng ganito.
Hindi ko yata kakayanin kung mawawala ka pa sa aking piling.
Mahal kita!