Tagalog Mothers Day Quotes

 

tagalog-mothers-day-quotesMothers day quotes can also be used in expressing your heartfelt and heartiest Mothers day messages to the special person in your life – your Mother. Your mothers day greetings can be written in different language, depending on where you live in. Since I’m living in the Philippines, I’d like to share some samples of mothers day quotes in tagalong, the language I use.

Tagalog Mother’s Day quotes are best sent together with inspirational mother’s day cards this coming day of Mothers. With tagalog mothers day messages and happy mother day greetings in tagalog, your mother would be surely glad and appreciate the thoughts. Be thankful and apologize for the past mistakes. Show your love and gratitude. Say Happy Mother’s Day!

Happy Mothers Day in Tagalog

Dakila ang lahat ng mga ina.
Ang kanilang trabaho araw-araw ay di magagawa ninuman.
Ang kanilang pagmamahal ay dalisay at tapat.
Maligayang Bati sa lahat ng mga Ina!

Sa araw na ito ay marapat lang na ating ipagdiwang
ang dakilang pagmamahal ng isang tao na handang ialay
ang kaniyang buhay para sa kanyang mga anak. Mahal na mahal kita Nanay!
Mapalad ako na ikaw ang aking Nanay.
Sana manatili kang mabuti at mapag-arugang ina.
Maligayang Araw ng mga Ina!

Sa pinakadakilang tao sa ating buhay, ang ating Ina.
Maligayang Araw sayo!
Sa lahat ng sakripisyo…
Sa lahat ng pag-aaruga…
Sa lahat ng pagmahal…
Tunay na walang makapapantay sayo.
Maligayang araw ng mga Ina!

happy-mothers-day-in-tagalog

 

Pag-aalagang walang kapantay…
Pagmamahal na walang hinihintay na kapalit…
Pang-unawang hindi masusukat…
Maraming Salamat Sayo, Mama.
Ikaw ang number one!

Ikaw ang liwanag
Ikaw ang inspirasyon
Ikaw ang gabay
At taga-suporta
Maraming salamat sa pagmamahal, aking Ina.
Happy Mother’s Day

Ang pag-ibig ng isang ina ay tunay na puro at dalisay
Pagmamahal at pag-aaruga ay walang makakapantay
Tunay ngang napakalaking handog mula sa Panginoon
Inay, mahahalin kita ngayon at sa habang panahon.
Happy Mother’s Day!

Mothers Day Messages and Wishes

Ang aking Nanay, gabay sa aking buhay
Tunay na mapagmahal, puso ay dalisay
Mapalad ako at binigyan ang napakabait na Nanay
Kaya’t sa maykapal, pasasalamat ay walang humpay
Maligayang araw ng mga Ina!

Lubos akong nagpapasalamat sa inay
Sa pag-aaruga at pagmamahal na walang humpay
Sa kin ika’y laging sumusubaybay
At sa aking buhay ay laging gabay.
Maraming salamat sa iyo Inay
Happy Mothers Day!

Ang ating Ina ay tunay na dakila
Pag-aaruga at pagmamahal na sinuman ay walang makakapantay
Ang kanilang pag-ibig ay tapat at dalisay
Saludo ako sa lahat ng mga Nanay!
Happy Mother’s Day!

mothers-day-picture

Isang araw para sumaludo sa kanilang kadakilaan
Binabati ko ang lahat ng mga nanay na wagas na
Happy Mother’s Day!
You’re the best, Nanay!

Sa pagluluto, ikaw na!
Sa pagmamahal, tunay na number 1.
Laging kang andiyan para sa amin.
Wala na akong mahihiling pa.
Maligayang Araw ng Mga Ina.

Nay, di ko maisip ang aking sarili na wala ka sa aking buhay
Tunay na ikaw ay isang espesyal na regalo na walang makakapantay
Ikaw ang aking kayamanan sa buhay
Sayo, ang pagmamahal ay tunay at dalisay
Happy Mothers day!

Mothers Day Quotes in Tagalog

Alam ko na madalas akong pasaway
Sakit ng ulo at palaging napapaaway
Subalit andiyan ka para ako ay intindihin at pangaralan
Maraming salamat Inay
Para sa iyo ang araw na ito.
Happy Mother’s Day!

Mama, salamat sa iyong mga pangaral at gabay
Nakamtan ko ang aking pangarap sa tulong mo
Nanatili ka sa aking tabi at nagbigay ng suporta
Tunay ngang ikaw na! Ikaw ang the best nanay sa buong universe!
Happy Mother’s Day!

Ikaw aking Ina
Naalala sa tuwina
Pagkat ikaw ay di nag iisa
Sapagtanda mo, tiyak may mag-aalaga
Gaya ng pagmamahal mong bigay
Buhay ko din sa iyo aking alay
Kaya’t huwag malumbay, aking mahal na inay.
Happy Mother’s Day!

Babaeng busilak
Parang bulaklak na humahalimuyak
Sa iyong gandang taglay
At iyong mga kamay na laging gumagabay
Sa arawna ito,gusto kong iyong malaman
Na ikaw aking inay ay aking mamahalin magpakailanman.

Sa iyong espesyal na araw
Ako ay nagbaliktanaw
At aking naalalaang lahat ng iyong ginawa
Ang lahat ay para ako lamang ay mapasaya
Kayat aking pinapangako, mahal kong Ina
Aalagan at mamahalin kitang tunay sa tuwina

Batid kong ako ay iyong mahal
Kahit hindi mo ito sinasambit Inay
Kaya’t ako ay nagsusumikap para iyong ikararangal
Bawat medalyang makamit sa iyo aking alay
Mahal kita Inay, at ito ay panghabambuhay!

And Diyos ay sadyang mabait
Ikaw sa akin inay ay binigay
Kahitang ilan gkasalanan ay nauulit
Patuloy pa rin ang iyong gabay
Siguro lahat ng Ina ay sadyang ganyan
Mga anak ay hindi maaring pabayaan
Pagdating ng panahon Inay aking pinapangako
Saiyong pagtanda, ikaw ay aking aalagan at hindi iisiping sumuko
Mahal kita, at patuloy na mamahalin!

Mga aral mong bigay sa akin Inay
Ay siyang nagpapagaan sa aking buhay
Pagkat lahat ng ito ay para sakabutihan lamang
Sadyang dapat sundin at ipagmayabang
Mahal mo ako, yan ay aking batid
Kayat pasasalamat sa iyo ang aking hatid
Mahal na mahal kita aking Ina!

More Happy Mothers Day Quotes Tagalog

Walang makakapantay
Sa pagmamahal na bigay mo, aking Inay
Mula pagkabata, hindi mo hinayaan
Aking sarili na mapabayaan
Hayaan mo akong magpasalamat
Inay, tunay kong mahal, salamat salamat salamat!

Masasarap na lutuin palagi iyong hain
Kaya iyong lubos na pagmamahal ay batid namin
Sa araw na ito, gusto naming sabihin
Ikaw ay tunay naming minamahal
Saksi ang maykapapal!

Malayo Kaman mahal kong mama
Mga tawag mo sa amin ay sapat na
Paguwi mo aming inaabangan
Para ikaw ay mayakap at mahagkan
Mahal ka namin mama! Salamat sa pag-aalaga.

Ilangtaon man ang lumipas
Pantalon man ay kumupas
Ang iyong pag aalaga ay walang kapantay
Kayat maraming salamat sa iyo Inay
Mahal ka naming tunay!

Lunes hanngang Linggo
Walang makikitang pagbabago
Sa iyong pag aalaga Inay ko
Tiwala sa sarili ay buong buo
Gusto kitang pasalamatan at tiyak na paglilingkuran
Saiyong pagtanda, ako ay handang handa
Inay ko, aking mahal!

Sa iyo na palaging nakikinig
Umuunawa at nagmamasid
Gusto ko na iyong malaman
Ako ay taos pusong nagpapasalamat
Sa bawat mo patnubay, bumubuti aking buhay
Salamat ng marami Inay!

Mukha mo na sadyang kayganda
Sa umaga siyang aking nakikita
Pagsisilbi ay sadyang saiyo ay kasiyahan
Umaayon sa masasarap na ulam na aming natitikman
Ikaw aking Ina, sa amin ay hiyas
Iyong pagmamahal tiyak nawagas
Habang buhay ka naming pasasalamatan
Mamahalin at paglilingkuran!

Liwanag na iyong bigay
Gabay sa aming buhay
Salamat aming mahal
Ikaw ay sa amin binigay
Pasasalamat namin ay iyong tanggapin
Mahal na Inay, Ikaw ay biyayang tunay

Hindi man tayo nagkita
Ang iyong kagandahan at kabutihan
Aking pinagmamalaki at ikinaliligaya
Kahit sa kabilang buhay, sana iyong marinig
Mahal kita, aking Ina! Ikaw ay naaalala!