Tagalog Valentines Quotes Tagalog Valentines Messages

Valentine’s Day – or Araw ng mga Puso for Filipinoes – is here! Greet your beloved with these romantic tagalog valentines quotes and tagalog valentines messages. Feel free to send these tagalog valentines greetings to your girlfriend or boyfriends this coming heart’s day and make their heart skip a beat. Have fun and enjoy!

valentines-day-cards

Share it in Facebook

Bawat sandali sa piling mo ay espesyal.
Tila ba araw-araw ay Araw ng mga Puso para sa atin.
Salamat sa pagpapasaya mo sa akin.
Mahal na mahal kita!

Bakit mas magiliw ang mga tao tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso?
Hindi ba’t dapat araw-araw ay maging magiliw
at malambing tayo sa ating mga mahal sa buhay?
Maligayang Araw ng mga Puso!

Gawin nating mas makahulugan ang araw na ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa ating mga puso. Ang pusong tunay na nagmamahal ay marunong magpatawad at hindi makasarili. Maligayang Araw ng mga Puso sa iyo!

Ngayong Araw ni Kupido,
sana makita mo na rin ang taong kabiyak ng iyong puso.

Huwag ka sana magsawa sa pagmamahal sa akin.
Hindi ako perpekto, subalit pinipilit kong maging mas marapat sa iyong pagmamahal.
Maligayang Araw ng mga Puso sa iyo!

Mahal kita bilang aking katipan.
Pag-aari mo ang puso ko ngayon at hanggang wakas.
Maligayang Araw ng mga Puso!

Asintado si Kupido.
Sapul na sapul niya ang puso ko kaya ako ngayon ay baliw sa pagmamahal sa iyo!

Hawak mo ang kalahati ng aking puso.
Huwag kang lalayo sapagkat ako ay di na muling mabubuo
kapag ikaw ay nawala sa piling ko. Mahal kita!

Tagalog Valentines Messages

valentines-day-wishes-41

Heart’s Day once again. Lovers are busy thinking of ways on how to make their beloved feel so much special on this day. Bring along with your gift some words of affection that will define your true feelings on this day. Here are happy valentine’s greetings in tagalog that you can use for your valentine’s cards and as valentine’s quotes. Feel free to use and share!

Maligayang Araw ng mga Puso sa iyo aking mahal!
Nandito lamang ako palagi para sa iyo.

 

Ang buhay ko ay nagkaroon ng kakaibang sigla dahil sa iyo.
Ikaw ang aking inspirasyon para mabuhay ng puno ng saya.
Maligayang araw ng mga Puso!

 

Ang araw na ito ay nilikha para magdiwang ang mga pusong nagmamahal.
Salamat dahil ako ay napabilang sa mga taong nagdiriwang ngayon dahil sa iyong pagmamahal sa akin.

 

Maligayang Araw ng mga Puso mahal ko.
Salamat sa pag-aalaga at pag-unawa mo sa akin.
Mahal na mahal kita!

 

Hindi ako magiging masaya kung wala ka sa buhay ko.
Mabuti na lamang at pinagtagpo tayo ng tadhana.
Maligayang Araw ng mga Puso!

 

Ikaw ang dahilan kung bakit ang puso ko ay maligaya.
Sa tamis ng iyong pag-ibig ako ay kuntento na.
Salamat sa iyo. Mahal kita!

 

Ang pag-ibig mo ay walang katumbas na halaga.
Ako ay sagana sa pagmamahal na ibinubuhos mo sa akin sa bawat sandali ng ating buhay.
Maligayang Araw ng mga Puso!