A crush is defined as a strong feeling of love that does not last long because it fills one with foolish, shallow and extravagant passions. The best word for it would be infatuation. Every one who has the ability to love has been infatuated with or had a crush on someone at some point in their lives. For those who have crush right now, these tagalog crush quotes are for you! We collected some of the best and witty crush quotes in tagalog. Enjoy!
Ang crush nagsimula sa mata, pumasok sa dibdib, tumambay sa isip, naging bukambibig, kaya sa huli, naging pag-ibig.
Huwag mo ng itanong kung anong gusto ko, baka madulas pa ako at ikaw ang masabi ko.
Ang crush parang math problem, kung di mu makuha, titigan mo na lang.
Si Crush madaling titigan pero mahirap lapitan.
Pag nahuli ka ng crush mo na nakatingin sa kanya, don’t worry, di ka naman nya mahuhuli kung di rin sya tumitingin sayo diba?
Crush ang taong hindi sayo pero kung mahalin mo parang kayo.
Ang crush man ay nagbibigay inspirasyon, ngunit nagbibigay rin ng ito depresyon. Lalo na’t pag di ka nya binibigyan ng atensyon.
Paano mo makikita yung para sayo kung ayaw mong tantanan yang pinipilit mong maging iyo.
Isa sa pinakamasayang feeling sa mundo ay yung gusto mong titigan ang crush mo pero di mo magawa kasi nakatitig din siya sayo.
Si crush ang dahilan kung bakit minu-minuto mong tinitingnan ang phone mo.
Ang crush parang kalabasa, nagpapalinaw ng mata. Kaya kahit malayo palang siya, kitang kita mo na.
Kung single ka, mahalin mo muna sarili mo. Tapos kapag ready ka na, isunod mo na ako.
Mahirap magalit ng walang dahilan. mahirap umintindi ng di mo maintindihan. mahirap masaktan ng wala kang karapatan, pero diba mas mahirap mawalan ng minamahal dahil sa mababaw na dahilan.
Pag ang lalaki may crush, pwede nilang ligawan. Pero kapag babae ka, hanggang tingin lang.
Dear crush, kung camera lang ang mata ko memory full na to sa sobrang dami ng stolen shot mo.
Kung crush, crush lang. Wag kang mahuhulog. Masasaktan ka lang.
Nung crush mo pa araw-araw mong hinahanap, ayaw magpakita. Nung gusto mo nang kalimutan araw-araw nagpapakita. Leche naman oh.
Wag mo akong ikukumpara sa ex mo. Dahil kung mas ok sya edi sana kayo pa.
Kahit gaano pa kasakit ang nararamdaman mo ngayon. Magiging kwento na lang ito pagdating nang panahon.
Ang taong laging nang-aasar at nagtritrip sayo, ay ung taong lihim na sumasaya kapag nakukuha ang atensyon mo.
Dilim ka ba? Kasi ng dumating ka wala na akong makitang iba.
Akala mo binitawan na kita? Niluwagan ko lang para malaman ko kung nakakapit ka pa.
Sa kalsada pag naglakad ka talo mo pa ang pagong pero pag nakita mong kasabay mo ang crush mo bigla ka na lang nagiging ninja.
Bakit nauso ang monthsary? Simple lang, dahil hindi lahat ng relasyon, umaabot ng anniversary.
Paano kapag nabangga kita, sasabihin mo bang bulag ako, kahit alam mong may pagtingin ako sayo.
Ang crush ay nagbibigay ng inspirasyon pero minsan panira din ng relasyon.
Ang mga babae kahit ilang ulit nilang sabihin na ayaw nilang mag boyfriend. Lusaw ang salitang ayaw pag si crush ang nanligaw.
Kahit single ako basta nandyan si Crush Masaya ako.
Dear crush, mapupunta ka rin sakin tiwala lang.
Yung madali namang iwasan yung taong gusto mo, mahirap lang talaga iwasan yung nararamdaman mo.
Pag may crush ka sa friend mo di mo alam kung paano itatago. Pag nangungulit siya deadma lang. Pag lumalapit siya wala lang. Pag naglalambing na hay tama na. Pero deep inside gusto mo sabihin mahal na nga kita ganyan ka pa.
May crush ka pero yung crush mo may ibang crush. Sakit.
Kaya kitang pasayahin kahit di ako praktisado. Pero di kita kayang lokohin kahit alam ko kung paano.
Dati, gusto lang kita ma-meet pero ngayon, gusto na kitang makamit.
Ano pa nga ba ang magagawa mo? Pogi nga yung crush mo, pero mas pogi pala yung crush nya.
Habang nasa iyo ang taong mahal mo alagaan mo. Huwag mong hayaang dumating yung araw, na pagsisihan mo na nawala na siya, at sabihin niya sayong, ikaw kasi pinabayaan mo ako.
Dear crush, kung inismall ka nila, huwag kang mag-alala, iniibig naman kita.
Crush kita, joke. Pasimpleng joke, yun pala, totoo na.
Ginawa ang break-up para ilayo tayo sa maling tao na akala natin ay tama.
Minsan ka lang magkaroon ng crush, naunahan ka pang agawan ng iba.
Hindi manhid ang crush mo, ramdam ka nun promise. Hindi ka lang talaga nya gusto.
Dear crush alam mo yung salitang manhid? Ikaw yun.
Kung di mo kayang sabihin sa crush mo ang nararamdaman mo ganito lang, isigaw mo na lang sa kanya na crush kita.
Dapat ba akong ngumiti dahil magkaibigan tayo? O dapat ba akong malungkot dahil hanggang dun lang tayo?
Define crush, ang rason kung bakit may gana akong pumasok sa klase.
Kung sa gitara maririnig mo ang musika, dito sa puso ko, maririnig mong mahal kita, pakinggan mo pa.
Hi crush, alam mo minsan, nakakawalang gana ka. Nakakawalang ganang pakawalan.
Dear crush, Alam kong imposibleng maging tayo kaya nagdesisyon akong, wag sabihin at magmove-on na lang.
Ang babae hindi pinapaiyak kasi sa unang parte ng istorya, nanligaw ka kasi pinangarap mo siya.
Dear crush, mahalin mo lang ako ng konti, ako na bahala magpadami.