Want to express your gratitude and love to your dad this coming Father’s day? You may want to try using these heartfelt tagalog father’s day quotes and happy father’s day greetings in tagalog. Feel free to get your father’s cards and copy these sample messages for father’s day. Enjoy!
Hindi mo kami pinapabayaan.
Minsan nga kahit wala ng matira sa iyo,
ayos lang basta maibigay mo sa amin ang lahat.
Kahit minsan pa ay nagmumukha kang kawawa
ayos lang sa iyo basta kaming mga anak mo ay masunod lang lahat ng luho.
Pangako na mag-aaral kaming mabuti para masuklian lahat ng pagsasakripisyo mo.
Mahal na mahal ka namin Tatay!
Ang mga grasa sa iyong pisngi at putik sa iyong mga braso
ay simbolo ng pagmamahal mong hindi makasarili.
Napakapalad namin dahil ikaw ang aming Tatay. Salamat sa iyo!
Napakabait mong ama.
Sa tuwing kailangan naminng payo,
lagi ka handang makinig at kami ay gabayan.
Maraming salamat sa iyo!
Maligayang Araw ng mga Ama!
Noong bata pa ako, hindi maintindihan kung bakit napakahigpit mo sa akin.
Ngayong ako ay isa na ring ama na gaya mo,
lubusan ko ng nauunawaan ang dahilan ng lahat ng mga ginagawa mo.
Ang lahat pala ay dahil sa taos mong pagmamahal.
Maligayang Araw ng mga Ama!
Ang buhay ko ay hindi kumpleto kung wala ka sa buhay ko.
Ikaw ang nagbibigay sa akin ng dahilan para mabuhay ng matuwid
at may tamang prinsipyo.
Salamat sa iyo!
A Fathers Day Poem In English
Tagalog Father’s Day Messages
As the provider, hero, and strength of the family, our father will love it if we will get out of our shell and greet him on Father’s Day. We have a collection of Tagalog Father’s Day Messages for you. Choose your words carefully and make sure that he will be touched when you pop that special message for him. You may run through these samples of happy father’s day greetings and father’s day messages.
Masaya ako na ikaw ang aking Tatay!
Ang iyong pagiging responsableng ama ay lubos kong hinahangaan.
Maligayang Araw ng mga Ama
Madalas man na ikaw ay nasa malayong lugar para magtrabaho,
lagi mo sana madama ang aming pagmamahal sa iyo.
Salamat sa lahat ng pagsasakripisyo mo.
Wala kang kapaguran sa paghahanap-buhay
para lang maibigay sa amin ang lahat ng aming mga pangangailangan.
Maligayang Araw ng mga Ama!
Mahalaga ka sa amin.
Ikaw ang gumagawa ng paraan upang ang buhay ay maging maayos
at magaan para sa ating pamilya.
Dakila ang iyong pag-ibig at kami ay lubos na nagpapasalamat sa iyo!
Kahit ikaw ay nakikita naming malakas at walang kapaguran,
hiling namin na ikaw ay magpahinga naman
at ating ipagdiwang ang araw na ito na talagang para sa iyo!
Ang iyong katatagan ang aming inspirasyon para gawing maayos ang aming buhay.
Salamat sa pagtuturo sa amin kung paano harapin ang buhay ng buong tapang.
Mahal na mahal ka namin!