365greetings.com

Bob Ong Quotes

Get inspired with these Bob Ong quotes collection. We include some of the best tagalog love quotes from one of the Filipino’s favorite comical Author – Bob Ong. Some of Bob Ong quotes are sometimes comical, heart-shattering, mind-awakening and inspiring.

You can truly find inspiration in his funny and witty sayings and quotes. You’ll surely love how he delivers his word through his quotable statements. Enjoy this collection of Bob Ong quotes and sayings e and share to your friends on twitter, facebook, tumblr, etc or via SMS.

Bob Ong Love Quotes

Looking for some inspiration or want to find some words that will make you wake up to your love nightmare? Get some one-of-a-kind advice from Bob Ong quotes on love. Here are some samples:

Makakapili ka ng lugar na uupuan mo
Pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo…
Ganyan ang senaryo sa bus.
Ganyan din sa pag-ibig…
Lalong ‘di mo kontrolado kung kelan siya bababa.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Kung matatakot kang harapin ang totoo
At sabihin ang talagang nararamdaman mo
Dahil baka masaktan ka, Isa lang ibig sabihin noon:
Ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya
At kinarir mo ang magpakatanga.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo.
Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng
Dalawang tao kapag nagtalikuran na sila?
Kailangan mong libutin ang buong mundo
Para makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Imbis na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’,
Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat?
Kung alam mong binabalewala ka na,
Tanggapin mong nagsasawa na s’ya.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Yon ang mali sa tinatawag na ‘cool factor.’
Para maging ‘in’ ka, dapat magustuhan mo yung gusto ng iba.
Pero pag sobrang dami na ng may gusto,
Dapat umayaw ka naman dahil magiging jologs ka na.
Dapat kakaiba lagi ang gusto mo, para kunyari iba ka.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo.
Minsan isang tao lang ang kasama mo,
Buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Kung dalawa ang mahal mo,
Piliin mo yung pangalawa.
Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba,
Kung mahal mo talaga yung una.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.
Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Kung sa tingin mo naloko mo ako.. nag kakamali ka..
Kasi ikaw ang naloko ko..pinaniwala kita na naloko mo ako…

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Kung hindi mo mahal ang isang tao,
Wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo.
Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Mahirap pumapel sa buhay ng tao.
Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa,
Kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo,
Wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito.
Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo
At iniwan ka na ng kasiyahan mo.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Para san ba ang cellphone na may camera?
Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Ang babae, kahit inlove, DENY ng DENY.
Ang lalaki, kahit walang gusto, I LOVE YOU ng I LOVE YOU.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala siya sa’yo eh…
Kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Huwag kang matakot magmahal ulit,
Hindi naman lahat ng tao katulad niya.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Kung kailan kita namiss, doon mo ko natitiis.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Pano ka mabubuhay kung wala na siya?
Eh di HUMINGA KA WAG KANG TANGA.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala siya sa’yo eh…
Kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Walang taong manhid.
Hindi lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Hindi porket madalas mong ka-chat,
kausap sa phone, kasama sa mga lakad o katext wantusawa
eh may gusto sayo at makaka tuluyan mo na…
May mga tao lang talaga na sadyang friendly, sweet, flirt o paasa.

Bob Ong Quotes on Life

Get some inspiration with these witty Bob Ong quotes on life. Most of Bob Ong life quotes can be comical but encouraging and inspirational and sometime contain words that can really awake you. Feel free to share these bob ong quotes on life to your classmates, facebook friends and twitter followers. You can also send these tagalog life quotes as SMS or text messages.

Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo.
Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.

Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay.
Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan,
Kundi essay na isinusulat araw-araw.
Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot,
Kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala.
Allowed ang erasures. 

Natapos din ang unos.
Pero iba na ‘ko ng makaraos.
Iba na ang tingin ko sa mundo.
Yung ibang pananaw ko, bumuti,
Yung iba…hindi ako sigurado.

Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng
Kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila.
Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.

Nakalimutan na ng tao ang kabanalan n’ya,
Na mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya,
Mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya,
At mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.

Ang maganda sa pag-asa,
Hindi ‘to nakukuha sa’yo nang hindi mo gusto.

Obligasyon kong maglayag,
Karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto,
Responsibilidad ko ang buhay ko.

Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita?
Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.

May mga librong magkakasundo ang sinasabi,
At meron din namang mga nagpapatayan ng opinyon.
May libro para sa kahit anong edad, kasarian,
Lahi, relihiyon, edukasyon, at katayuan sa buhay.
May mahal at mura, malaki at maliit, makapal at manipis,
pangit at maganda, mabango at mabaho, may kwenta at wala.

Lahat meron. Sari-sari. Iba-iba.
Tulad din ng mga tao. Utak ng tao.
Dahil ang bawat libro ay maliit na litrato ng utak ng tao.

Yon ang mali sa tinatawag na ‘cool factor.’
Para maging ‘in’ ka, dapat magustuhan mo yung gusto ng iba.
Pero pag sobrang dami na ng may gusto,
Dapat umayaw ka naman dahil magiging jologs ka na.
Dapat kakaiba lagi ang gusto mo, para kunyari iba ka.

Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro
at pinag-aral ako ng magulang ko nung bata pa ‘ko.
Hindi pala lahat ng bata e dumaraan sa kamusmusan.

Hindi ako hihingi ng dispensa sa mga nabulabog kong konsensya.

Kung nasira ko man ang araw mo,
O kung hindi mo ito ikinatuwa,
Malinaw na hindi ako ang tipo ng manunulat na gusto mong basahin.
Pero hindi ito nangangahulugan ng pagkakakumpiska ng ballpen at lisensya ko para magsulat.

Naniniwala ako na kung wala kang nagagawa sa kinatatayuan mo ngayon
Wala ka ring magagawa sa kung saan mo man gusto magpunta.

Karapatan kong madapa at bumangon sa buhay,
Nang walang tatawa, magagalit, magtatanong,
o magbibilang kung ilang beses na ‘kong nagkamali
at ilang ulit ako dapat bumawi.

Nalaman kong habang lumalaki ka,
Maraming beses kang madadapa.
Bumangon ka man ulit o hindi,
Magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo,
At mauubos ang oras.

Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito.
At hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.

Nilagyan lang ng konting moral lesson ang pelikula para hindi maging ganap na basura.

Isa pa, pwede nga ring yung TV talaga ang may sumpa.
Dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. Isipin mo,
Bakit isa ito sa mga unang-unang pinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap?
Kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot.
Para tumakas sa realidad.

Wala naman talagang araw na malungkot,
Meron lang Masaya, Mas Masaya at Napakasaya.
Akala mo lang malungkot ka ngayon kasi mas masaya ka kahapon.

Kahit na anong bagal ng paglakad mo,
Kung di ka naman niya gustong habulin,
Hindi ka talaga nya maabutan…
Kahit na mag-stop over ka pa.
Ang trahedya ng buhay ko?
Hindi ako nagkaroon ng kapangyarihang makapagsabi ng tamang bagay,
Sa tamang tao, sa tamang panahon.

Kung gusto mo matawa,
Dapat paminsan-minsan magpakababaw ka rin.
Wag nga lang sobra.

Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali?
Alam ba nilang pag natuto silang umibig,
Eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?