Nais ng Maligayang Pasko Tagalog Christmas Wishes

It is Christmas, the biggest festival for Philippines, who is so much religious and friendly. Filipinos are known to celebrate Christmas for long period of time. The Christmas celebration in the Philippines starts as early as the ber months begin. They start saying “Maligayang Pasko” as soon as the Christmas countdown begins which is 100 days before December 25.. During this time, they start to exchange Christmas wishes and greetings.

Now greet your family and friends in Philippines a Merry Christmas in Tagalog language. Surprised them with these heartwarming tagalog Christmas messages and tagalog wishes for Christmas. These Christmas greetings are perfect for tagalog Christmas cards. Feel free to use. Maligayang Pasko!

Christmas Messages Tagalog

Tagalog Merry Christmas, How to Say Merry Christmas in tagalog

tagalog-christmas-greetings-funny

Payak man o bonggang handaan,
Simple man o garbo ang regalo,
Walang problema.
Basta ang mahalaga ay tayo ay magkakasama bilang pamilya,
Sa pagdiriwang ng kaarawan ng ating Mesiyas.

* * * * * * * * * * * * * *

Ipagdiwang natin ang araw na ito!
Ngayon natin makakapiling ang ating Manunubos.
Maligayang Pasko sa ating lahat!

* * * * * * * * * * * * * *

Magsaya, magdiwang, at umawit ng buong galak!
Ngayong Araw ng Pasko tayo ay magsama-sama sa pagsalubong sa Kanyang pagdating.”

* * * * * * * * * * * * * *

Imbes na tayo ay gumastos ng malaking halaga para sa mga bagong damit para sa Pasko, bakit hindi natin ihanda ang ating sarili sa pagharap kay Kristo sa pamamagitan ng masusing pagsusuri ng ating buhay? Makabuluhang Pasko sa ating lahat!

* * * * * * * * * * * * * *
tagalog-christmas-greetings
Ikaw at ako ay pantay sa mga mata ng ating Ama kaya nga ibinigay Niya sa ating lahat sa iisang araw lang ang kapanganakan ng Kanyang Dakilang Anak!

* * * * * * * * * * * * * *

Ang Pasko ay simbolo ng ating kaligtasan at pag-asa sa buhay.
Sana, katulad ng isang Sanggol, tayo ay matutong ngumiti kahit sa mga simpleng bagay lang na nasa ating paligid.

* * * * * * * * * * * * * *

Ang dahilan ng pagdiriwang ng Pasko ay mananatiling iisa habang panahon.
Huwag natin aksayahin ang pagkakataong magbagong buhay
At maging marapat sa banal na pagdiriwang na ito.

Best Tagalog Christmas Wishes

Christmas Greetings in tagalog, Merry Christmas in Tagalog

Pasko na naman, panahon ng magagarang parol At magagarbong salu-salo.
Gayunpaman, isa puso nawa natin ang tunay na diwa ng pasko.
Ang pagmamahalan at pagbibigayan. Hindi ng mamahaling regalo at laruan,
Kundi ng pag-ibig at pang-unawa sa kapwa.
Maligayang Pasko sa iyo at sa iyong pamilya!

* * * * * * * * * * * * * *

Nawa ay maging maligaya ang iyong pasko kasama ang iyong mga mahal sa buhay.
Maligayang Pasko at manigong bagong taon!

* * * * * * * * * * * * * *

Sa pagsapit na pasko, ikaw ang nasa isip ko.
Kaya naman bago ako mamili ng mga regalo,
Nais kong bumati sayo ng Maligayang Pasko!

* * * * * * * * * * * * * *

And aking hiling ngayong kapaskuhan, sana ay maging maligaya ka at makasama mo ang iyong mga mahal sa buhay. Maligayang Pasko para sa iyo!

* * * * * * * * * * * * * *

Ang ipagdiwang ang kapaskuhan kasama ang iyong mga mahal sa buhay ay isa sa mga regaling hindi matutumbasan ng kahit ano mang kayamanan. Ipagdiwang ang pasko ng may pusong tigib sa ligaya ng dulot ng pamilya at mga kaibigan. Nawa ay maranasan mo ang paskong ganito. Merry Christmas!

* * * * * * * * * * * * * *
merry-christmas-in-tagalog
Sa kapanganakan ng hating Hesukristo, maging daan sana ito upang malaman mo ang iyong mga mithiin sa buhay at magkaron ng sapat ng kakayahan at inspirasyong abutin ang iyong mga pangarap. Maligayang Pasko para sa iyo!

* * * * * * * * * * * * * *

Sa pinakaespesyal na tao sa aking buhay, Hiling ko na maabot mo ang iyong mga mithiin sa buhay. Wala akong ibang hiling kundi ang Makita kang maligaya at masagana. Maligayang Pasko!

* * * * * * * * * * * * * *

Ngayong pasko, puspusin mo ng pag-ibig ang iyong puso,
Matutuhan mo sana ang magpatawad at magbigay.
Yan naman talaga ang diwa ng pasko.
Merry Christmas!

* * * * * * * * * * * * * *

Ayos lang sa akin kahit walang mamahaling regalo,
Ang makasama ang pamilya at kaibigan, maligaya na ako.
Sapat na sa akin ang magdiwang kasama ng mahal ko sa buhay,
Pag-ibig at pang-unawa ang aking alay.

* * * * * * * * * * * * * *

Sana ay maging maligaya ka ngayong kapaskuhan,
Matupad sana lahat ng iyong mga hiling.
Merry Christmas!

Tagalog Christmas Quotes

Merry Christmas and Happy New Year in Tagalog, Tagalog Christmas Messages

Here are some good christmas message tagalog that you can use in wishing your Filipino friend a Merry Christmas. These chrstmas messages in tagalog include some inspirational and heartwarming wordings that will surely inspire everyone.
tagalog-christmas-quotes
Maligayang pagdiriwang kasama ang pamilya at kaibigan,
Masayang tawanan at kwentuhan, habang hinihintay ang kapaskuhan
Sana ay maging maligaya ang iyong pasko!

* * * * * * * * * * * * * *

Kay tulin ng araw, pakso ay naririto na naman,
At gaya ng mga nagdaang pasko, munti man ang aking regalo,
Lubos kong hinihiling na ika’y makasama at makasalo,
Sabay nating salubungin ang pasko!

* * * * * * * * * * * * * *

Sa aking mga kaibigan, maraming salamat sa inyo.
Sa pagmamahal at suporta na walang sawa ninyong ibinibigay sa akin,
Lubos akong nagpapasalamat dahil niregaluhan ako ng Diyos ng mga taong tulad ninyo,
Maligayang Pasko at manigong bagong taon!

* * * * * * * * * * * * * *

Maraming salamat sa pagmamahal at pang-unawa
Palagi kang andiyan sa hirap man o ginhawa.
Kaya ang hiling ko lamang ngayong pasko,
Ay manatili ka sa tabi ko
Maligayang Pasko sa iyo!

* * * * * * * * * * * * * *

Sana ngayong pasko, magkaroon ka ng pusong tigib sa pagmamahal at pang-unawa
Maligayang pasko sa iyo at sa iyong pamilya.

* * * * * * * * * * * * * *

Nawa’s maging daan ang kapaskuhan para sa pagmamahalan ng iyong pamilya,
Pagtibayin pa nawa nito ang iyong relasyon sa mga kaibigan at kapamilya,
Magkaron ka sana ng masayang pasko!

* * * * * * * * * * * * * *

Naggagandahang parol at makukutitap na mga ilaw,
Masasarap na pagkain at malamig na simoy ng hangin.
Sadyang pasko ka na nga.
Kaya heto ako at bumabati ng Maligayang Pasko at manigong bagong Taon!

* * * * * * * * * * * * * *

Walang kasing saya ang pasko,
Kung ikaw ay makakasama ko,
Wala ng mahihiling pa,
Kapag kasama mo ang iyong pamilya
Maligayang Pasko!

Tagalog Christmas Greetings Funny

Araw ng kapaskuhan,
Araw ng pagbibigayan,
Kaya ako ngayon ay nandito,
Naghihintay ng iyong regalo!
Maligayang Pasko!

* * * * * * * * * * * * * *

Sabi nila, ang pasko ay para sa mga bata,
Paano naman tayong matatanda?
Naiiwan na laging nakatunganga?
Pagdating ng inaanak, pera ay nauubos at nawawala?
Gayunpaman, maligayang pasko!

* * * * * * * * * * * * * *

Araw na naman ng kapaskuhan
Araw na naman na nagtatago si Ninong at Ninang
Sa mga inaanak na laging nakaabang.
Maligayang pasko sa inyong lahat

* * * * * * * * * * * * * *

Wala naman akong malaking hiling ngayong pasko,
Tumama lang ako sa lotto, maligaya na ako!
O dili kaya naman ay makatanggap ako ng regalo,
Mula sa mga kaibigan ko at kasama sa trabaho.
Kasama ka dun, kaibigan! Maligayang Kapaskuhan!

* * * * * * * * * * * * * *

Maligayang Pasko sa lahat!
Sa mga ninong at ninang na barat!
Sana ay magtagumpay kayo
Sa pagtatago ngayong pasko!

————————-

Christmas in the Philippines

Christmas celebration in the Philippines is probably the longest and most festive among other Christian countries. The celebration actually starts as soon as the “BER” months begin and ends in mid-January. Filipinos are spreading the words of Christmas by sharing Christmas greetings and wishes. Pasko, or Christmas in Tagalog, is one of the joyous occasions in Philippines and most people celebrate it with so much joy and mirth. Old Christmas traditions are observed as well like caroling, Christmas tree decorating, visiting folks on Christmas day to be blessed by their grandparents and more. The slogan might be true – it’s more fun in the Philippines.

Spread the spirit of Christmas by saying Maligayang Pasko or merry Christmas greetings in tagalog to your Filipino friends and loved ones. Here are some of samples of Maligayang Pasko messages and tagalog merry christmas wishes that you can utter to your Filipino friends or family members.

Maligayang Pasko Greetings

Tagalog christmas messages, Merry Christmas in tagalog


So, you have a filipino friend or relatives that you want to greet this Christmas? Even if it’s in a form of card or sms or email, you can easily convey your Christmas wishes in tagalog language using some merry christmas translation. But to give you samples and message ideas, here are some maligayang pasko messages and tagalog christmas greetings that you may want to use.

Panahon ng kasiyahan at pagdiriwang
Panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan
Yan ang diwa ng kapaskuhan
Maligayang Pasko!

Munti man at simple ang aking regalo,
Sana ay magustuhan mo,
Sapagkat kalakip nito ang pagmamahal ko
At ang hiling na maging maligaya ang iyong Pasko!

Isa ka sa mga dahilan kung bakit masaya ako ngayong pasko,
Nawa ay pagpalain ka pa ng poong Maykapal.
Maligayang Pasko

Isang mapagpalang Pasko ang hiling ko para sayo!
Maligayang pasko!

Ipagdiwang nating ang pasko
Na ang puso ay tigib ng pagmamahal para sa isa’t isa.
Maligayang Pasko

Sana ay maging Masaya ang iyon pasko kapiling ang iyong pamilya at mahal sa buhay.
Maligayang Pasko!

Maging lubos nawa ang iyong kaligayahan ngayong Pasko.
Nararapat lamang iyon sa mabait at responsableng tao gaya mo.
Maligayang Pasko!

Merry Christmas in Tagalog

maligayang-paskoWant to say Merry Christmas in tagalog? Then here are some of the tagalog Christmas greetings and messages that you can use. These Christmas messages can help you say “Maligayang Pasko” to your loved ones and special someones on Christmas season. Enjoy and spread the spirit of joy and love with these heartfelt merry Christmas greetings in tagalong!

Sa Paskong darating, sana pagbigyan ang aking hiling. Makasama ang aking minamahal, at magdiwang ng pasko sa aking piling. Merry Christmas, aking mahal!

Pasko na naman, kay tulin talaga ng araw. Parang kalian lang nung huli tayong nagdiwang ng pasko. Kaya sa lahat, ang aking pagbati ng Maligayang Pasko!

Sana sa araw ng pasko, nawa’y matupad ang iyong mga hiling at maging maligaya sa bagong taon na darating. Maligayang Pasko sa iyo!

Mamahaling regalo, bagong gadget at mga damit. Walang saysay ang mga ito, kung wala ka naman sa piling ko. Sana ay magbalik ka at magdiwang ng pasko sa tabi ko. Maligayang Pasko.

Hindi naman mahalaga kung wala kang magarbong handa sa Pasko…
Hindi rin importante na wala kang bagong damit at sapatos…
Ang importante ay kasama mo ang iyong pamilya at nagdidiwang ng maligaya.
Merry Christmas!

Maligayang buhay, malusog na pangangatawan.
Maging matagumpay sa iyong napiling karera.
Masayang pamilya at lovelife.
Yan ang mga hiling ko para sayo sa darating na pasko.
Merry Christmas!

Ngayong pasko, matupad sana ang iyong mga hiling,
Hindi man ako si Santa na magdadala sayo ng regaling gusto mo,
Magiging anghel naman ako na mananalangin na sana ay matupad ang mga hiling mo.
Maligayang Pasko

Mapuno nawa ng liwanag ng kapaskuhan ang iyong tahanan.
Puspusin sana ng Diyos ay iyong puso sa pagmamahal at kaligayahan.
Maligayang Pasko sa iyo at iyong pamilya!

Ang pasko ay panahon ng pasasalamat sa mga biyayang natanggap,
At pagpaparamdam sa ating mahal sa buhay kung gaano natin sila kamahal,
Kaya heto ako ngayon at bumabati sayo, pagkat isa ka sa mga espesyal na tao sa buhay ko.
Maligayang Pasko!

Christmas Greetings in Tagalog

Tagalog merry christmas, Filipino Christmas greetings

Nagpapasalamat ako sa Diyos sapagkat biniyayaan niya ako ng isang gaya mo,
Ang taong napakabuti ang mababa ang loob.
Maging maligaya nawa ang iyong Pasko kasama ang iyong pamilya.
Maligayang Pasko!

Mapuno sana ng kaligayahan ang iyong puso ngayong pasko,
Makasama mo sana ang mga taong malapit sa iyo
Maligayang Pasko!

Wala mang magagarang damit at sapatos,
Wala mang bonggang handa at salo-salo
Basta magkakasama ang pamilya,
Buo na ang pasko.
Maligayang Pasko at manigong bagong taon!

Heto na naman ang pasko,
Panahon ng 13th month at bonus
Sana lang ay magkasya ang iyong budget
Sa pagbili ng handa at mga regalo.
Sulit naman dahil ngayon ay pasko
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!

Ngayong Araw ng Pasko,
tayo nawa ay matutong magpatawad at humingi ng tawad.
Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Sana madama mo ang pagpapalang dulot ng araw na ito.
Maligayang Pasko!

Pasko na naman!
Nakakaaliw pakinggan ang boses ng mga batang kumakanta at sa atin ay namamasko.
Nawa’y maging masagana ang paskong ito para sa inyo.

Tuwing Pasko, nasisimot ang bulsa ko
Sa pagbili ng mga regalo at damit na bago,
Subalit walang problema, sapagkat ako ay Masaya
Na minsan sa isang taon, sila’y aking napaligaya.
Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Ngayong Pasko, tayo ay pinagkalooban ng Diyos
ng biyaya ng buhay ng kanyang Anak.
Manalangin tayo at magpasalamat sa Kanya!

Ang Sanggol sa sabsaban ay magpaalala sana sa atin ng kahalagahan ng pagiging mapagkumbaba. Maligayang Pasko!

Tuwing Pasko, makikita mo ang ngiti sa mukha ng bawat tao.
Mararamdaman mo ang saya sa paligid.
Sana araw-araw ay Pasko para laging may pagbibigayan at pagmamahalan.
Maligayang Pasko sa ating lahat!

Tagalog Christmas Quotes

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon messages

Pasko ang isa sa pinaka-espesyal na araw sa buong taon.
Bakit hindi? Ito ang panahon kung saan ang tao ay
nagbibigayan, nagmamahalan at laging Masaya.
Sana ang lahat ay magkaraoon ng Maligayang Pasko!

Ang bawat tahanan ay nakahanda na…
Ang bawat simbahan ay may dekorasyon at handa na para sa misa…
Ang mga bata ay nasasabik na sa pagdating ng pasko…
Ang dalangin ko lamang, na tulad ng mga bata,
Isa ka sa mga taong sabik at maligaya sa paskong darating.
Maligayang Pasko!

Balutin nawa ng diwa ng pasko ang iyong tahanan,
Mahanap mo nawa ang kaligayahan at pag-ibig saan ka man naroroon.
Maligayang Pasko sayo at sa iyong pamilya.
maligayang-pasko-greetings
Maligayang Pasko!
Sana mapasaiyo ang pag-asang hatid ng pagsilang ni Hesukristo.

Hiling ko na sana ikaw at ang iyong pamilya ay
magkaroon ng Paskong maligaya at masagana!

Maging daan nawa ang kapaskuhan para mabuksan ang iyong puso sa pagpapatawad.
Magbigayan sana tayo ng kapayapaan ngayong pasko.
Maligayang pasko at Manigong Bagong taon!

Funny Tagalog Merry Christmas

Gusto ko sanang regaluhan ka ng lechon
Sasamahan ko pa ng keso de bola at hamon,
Kaso naalala kong diet ka nga pala,
Kaya card na lang, cholesterol-free pa.
Maligayang Pasko!

* * * * * * * * * * * * *

Simoy ng hangin ay lumalamig na,
Malls at palengke ay nagsisiksikan na,
Sana isa ka sa mga tong nakikisiksik sa mga lugar na yun,
At ipinipili ako ng regalo para ngayong Pasko.
Merry Christmas!

* * * * * * * * * * * * *

Pasko ang isa sa mga paborito ko
Bakit hindi, nakakatanggap ako ng regalo.
Kay asana ngayong taon na ito, mga kaibigan ko,
Heto lang ako at naghihintay sa inyo.
Maligayang Pasko!

* * * * * * * * * * * * *

Hindi naman ako naghahangad ng mamahaling regalo,
Basta galling sa puso mo, Masaya na ako,
Oo nga pala, size 11 ang paa ko.
Maligayang Pasko!

* * * * * * * * * * * * *

Pasko na naman
Panahon ng mga regalo at masasarap na handaan
Hinay, hinay lang kaibigan.
Sana’y di ka maging kasing bigat ng refrigator pagkatapos ng pasko
Maligayang Pasko

Tagalog Christmas Greetings for a Friend

maligayang-pasko-greetings-for-her
Maging mas matibay sana an gating pagkakaibigan,
Mas maraming masasayang sandal at tawanan,
Lubos akong nagpapasalamat sa maykapal,
Pagkat nabibiyayaan ko ng tunay na kaibigan.
Maligayang Pasko!

Walang katapusang ligaya,
Walang hanggang pag-asa
Pagdiriwang na kasama ang pamilya
Yan ang aking hiling para sa iyo.
Ngayong darating na Pasko!

Isa kang napakabuting kaibigan,
Walang lungkot o pagkabagot pag ikaw ang kasama ko,
Ngayong pasko, sana matupad lahat ng pangarap mo.
Maligayang Pasko!

Aking kaibigan, laging maasahan,
Laging naririyan, sa lungkot man o kaligayahan,
Kaya ngayong kapaskuhan, wala ng ibang hiling pa,
Kundi makita kang Masaya at maligaya.
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon.

Maligayang Pasko Greetings for Him/Her

Ang tanging hiling ko sa pasko,
Sana ay makapiling kita At makasama
Sapagkat labis na akong nananabik sayo.
Maligayang Pasko.

* * * * * * * * * * * * *

Labis akong nagpapasalamat sa Diyos,
Sa lahat ng pagpapala at biyaya,
At pagbibigay ng pagkakataong makilala ka at maging parte ng aking buhay
Ikaw ang aking inspirasyon,
Maligayang Pasko, Mahal ko.

* * * * * * * * * * * * *

Ang makasama ka ang pinakamagandang regalo na natanggap ko ngayong pasko,
Lubos akong nagpapasalamat dahil naririto ka sa tabi,
Maligayang Pasko, Mahal ko.

* * * * * * * * * * * * *

Walang ikaw o ako ngayong pasko.
Walang ibang kundi “TAYO”
Maligayang Pasko sayo!

* * * * * * * * * * * * *

Ang mga Christmas light ay kumukutitap na,
Ang Christmas tree ay kompleto na,
Andiyan na ang mga pagkain at mga regalo,
Isa na lang ang hiling ko.
Yun ay makasama ka ngayong Pasko.
I miss you, mahal ko.

Leave a Reply