It is Christmas, the biggest festival for Philippines, who is so much religious and friendly. Filipinos are known to celebrate Christmas for long period of time. The Christmas celebration in the Philippines starts as early as the ber months begin. They start saying “Maligayang Pasko” as soon as the Christmas countdown begins which is 100 days before December 25.. During this time, they start to exchange Christmas wishes and greetings.

Now greet your family and friends in Philippines a Merry Christmas in Tagalog language. Surprised them with these heartwarming tagalog Christmas messages and tagalog wishes for Christmas. These Christmas greetings are perfect for tagalog Christmas cards. Feel free to use. Maligayang Pasko!

Christmas Messages Tagalog

Tagalog Merry Christmas, How to Say Merry Christmas in tagalog

Payak man o bonggang handaan,
Simple man o garbo ang regalo,
Walang problema.
Basta ang mahalaga ay tayo ay magkakasama bilang pamilya,
Sa pagdiriwang ng kaarawan ng ating Mesiyas.

* * * * * * * * * * * * * *

Ipagdiwang natin ang araw na ito!
Ngayon natin makakapiling ang ating Manunubos.
Maligayang Pasko sa ating lahat!

* * * * * * * * * * * * * *

Magsaya, magdiwang, at umawit ng buong galak!
Ngayong Araw ng Pasko tayo ay magsama-sama sa pagsalubong sa Kanyang pagdating.”

* * * * * * * * * * * * * *

Imbes na tayo ay gumastos ng malaking halaga para sa mga bagong damit para sa Pasko, bakit hindi natin ihanda ang ating sarili sa pagharap kay Kristo sa pamamagitan ng masusing pagsusuri ng ating buhay? Makabuluhang Pasko sa ating lahat!

* * * * * * * * * * * * * *
tagalog-christmas-greetings
Ikaw at ako ay pantay sa mga mata ng ating Ama kaya nga ibinigay Niya sa ating lahat sa iisang araw lang ang kapanganakan ng Kanyang Dakilang Anak!

* * * * * * * * * * * * * *

Ang Pasko ay simbolo ng ating kaligtasan at pag-asa sa buhay.
Sana, katulad ng isang Sanggol, tayo ay matutong ngumiti kahit sa mga simpleng bagay lang na nasa ating paligid.

* * * * * * * * * * * * * *

Ang dahilan ng pagdiriwang ng Pasko ay mananatiling iisa habang panahon.
Huwag natin aksayahin ang pagkakataong magbagong buhay
At maging marapat sa banal na pagdiriwang na ito.

Best Tagalog Christmas Wishes

Christmas Greetings in tagalog, Merry Christmas in Tagalog

Pasko na naman, panahon ng magagarang parol At magagarbong salu-salo.
Gayunpaman, isa puso nawa natin ang tunay na diwa ng pasko.
Ang pagmamahalan at pagbibigayan. Hindi ng mamahaling regalo at laruan,
Kundi ng pag-ibig at pang-unawa sa kapwa.
Maligayang Pasko sa iyo at sa iyong pamilya!

* * * * * * * * * * * * * *

Nawa ay maging maligaya ang iyong pasko kasama ang iyong mga mahal sa buhay.
Maligayang Pasko at manigong bagong taon!

* * * * * * * * * * * * * *

Sa pagsapit na pasko, ikaw ang nasa isip ko.
Kaya naman bago ako mamili ng mga regalo,
Nais kong bumati sayo ng Maligayang Pasko!

* * * * * * * * * * * * * *

And aking hiling ngayong kapaskuhan, sana ay maging maligaya ka at makasama mo ang iyong mga mahal sa buhay. Maligayang Pasko para sa iyo!

* * * * * * * * * * * * * *

Ang ipagdiwang ang kapaskuhan kasama ang iyong mga mahal sa buhay ay isa sa mga regaling hindi matutumbasan ng kahit ano mang kayamanan. Ipagdiwang ang pasko ng may pusong tigib sa ligaya ng dulot ng pamilya at mga kaibigan. Nawa ay maranasan mo ang paskong ganito. Merry Christmas!

* * * * * * * * * * * * * *
merry-christmas-in-tagalog
Sa kapanganakan ng hating Hesukristo, maging daan sana ito upang malaman mo ang iyong mga mithiin sa buhay at magkaron ng sapat ng kakayahan at inspirasyong abutin ang iyong mga pangarap. Maligayang Pasko para sa iyo!

* * * * * * * * * * * * * *

Sa pinakaespesyal na tao sa aking buhay, Hiling ko na maabot mo ang iyong mga mithiin sa buhay. Wala akong ibang hiling kundi ang Makita kang maligaya at masagana. Maligayang Pasko!

* * * * * * * * * * * * * *

Ngayong pasko, puspusin mo ng pag-ibig ang iyong puso,
Matutuhan mo sana ang magpatawad at magbigay.
Yan naman talaga ang diwa ng pasko.
Merry Christmas!

* * * * * * * * * * * * * *

Ayos lang sa akin kahit walang mamahaling regalo,
Ang makasama ang pamilya at kaibigan, maligaya na ako.
Sapat na sa akin ang magdiwang kasama ng mahal ko sa buhay,
Pag-ibig at pang-unawa ang aking alay.

* * * * * * * * * * * * * *

Sana ay maging maligaya ka ngayong kapaskuhan,
Matupad sana lahat ng iyong mga hiling.
Merry Christmas!

Tagalog Christmas Quotes

Merry Christmas and Happy New Year in Tagalog, Tagalog Christmas Messages

Here are some good christmas message tagalog that you can use in wishing your Filipino friend a Merry Christmas. These chrstmas messages in tagalog include some inspirational and heartwarming wordings that will surely inspire everyone.
tagalog-christmas-quotes
Maligayang pagdiriwang kasama ang pamilya at kaibigan,
Masayang tawanan at kwentuhan, habang hinihintay ang kapaskuhan
Sana ay maging maligaya ang iyong pasko!

* * * * * * * * * * * * * *

Kay tulin ng araw, pakso ay naririto na naman,
At gaya ng mga nagdaang pasko, munti man ang aking regalo,
Lubos kong hinihiling na ika’y makasama at makasalo,
Sabay nating salubungin ang pasko!

* * * * * * * * * * * * * *

Sa aking mga kaibigan, maraming salamat sa inyo.
Sa pagmamahal at suporta na walang sawa ninyong ibinibigay sa akin,
Lubos akong nagpapasalamat dahil niregaluhan ako ng Diyos ng mga taong tulad ninyo,
Maligayang Pasko at manigong bagong taon!

* * * * * * * * * * * * * *

Maraming salamat sa pagmamahal at pang-unawa
Palagi kang andiyan sa hirap man o ginhawa.
Kaya ang hiling ko lamang ngayong pasko,
Ay manatili ka sa tabi ko
Maligayang Pasko sa iyo!

* * * * * * * * * * * * * *

Sana ngayong pasko, magkaroon ka ng pusong tigib sa pagmamahal at pang-unawa
Maligayang pasko sa iyo at sa iyong pamilya.

* * * * * * * * * * * * * *

Nawa’s maging daan ang kapaskuhan para sa pagmamahalan ng iyong pamilya,
Pagtibayin pa nawa nito ang iyong relasyon sa mga kaibigan at kapamilya,
Magkaron ka sana ng masayang pasko!

* * * * * * * * * * * * * *

Naggagandahang parol at makukutitap na mga ilaw,
Masasarap na pagkain at malamig na simoy ng hangin.
Sadyang pasko ka na nga.
Kaya heto ako at bumabati ng Maligayang Pasko at manigong bagong Taon!

* * * * * * * * * * * * * *

Walang kasing saya ang pasko,
Kung ikaw ay makakasama ko,
Wala ng mahihiling pa,
Kapag kasama mo ang iyong pamilya
Maligayang Pasko!

Tagalog Christmas Greetings Funny

Funny Filipino Christmas greetings, Funny christmas messages tagalog

tagalog-christmas-greetings-funny
Araw ng kapaskuhan,
Araw ng pagbibigayan,
Kaya ako ngayon ay nandito,
Naghihintay ng iyong regalo!
Maligayang Pasko!

* * * * * * * * * * * * * *

Sabi nila, ang pasko ay para sa mga bata,
Paano naman tayong matatanda?
Naiiwan na laging nakatunganga?
Pagdating ng inaanak, pera ay nauubos at nawawala?
Gayunpaman, maligayang pasko!

* * * * * * * * * * * * * *

Araw na naman ng kapaskuhan
Araw na naman na nagtatago si Ninong at Ninang
Sa mga inaanak na laging nakaabang.
Maligayang pasko sa inyong lahat

* * * * * * * * * * * * * *

Wala naman akong malaking hiling ngayong pasko,
Tumama lang ako sa lotto, maligaya na ako!
O dili kaya naman ay makatanggap ako ng regalo,
Mula sa mga kaibigan ko at kasama sa trabaho.
Kasama ka dun, kaibigan! Maligayang Kapaskuhan!

* * * * * * * * * * * * * *

Maligayang Pasko sa lahat!
Sa mga ninong at ninang na barat!
Sana ay magtagumpay kayo
Sa pagtatago ngayong pasko!

Leave a Reply