Sweet Pick up Lines

Likas talagang makata ang mga Pinoy. Kung meron Shakespeare ang mga banyaga, aba’t meron naman tayong Jose P. Rizal. Ang nagsulat ng Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Florante at Laura at madami pang iba. Sa tatlong nabanggit, ang Florante at Laura ay pinakasiksik ng mga matatamis na litanya sa pagitan ng magkasintahan. Ito ay patunay, na kahit noon pa man ay sadyang magiliw na talaga sa pagdiskarte ang mga Filipinos sa kanilang minamahal.

Sa ngayong panahon, hindi na tayo ganon  na makaluma sa  paggamit ng mga linyang, “Susungkutin ko ang bituin para sa’yo”, “tatawirin ang ilang ilog para sa’yo” at “tatahakin ang ilang bundok” Masyadong matalinhaga ang mga salitang pagdiskarte noong panahon, masyadong mabigat, nagmumukhang imposible ngunit nakakapaibig naman ng mga dalaga. Walang pagduda, malakas ang karisma ng mga Pinoy mula noon hanggang ngayon.

Gayunpaman, ang mga pick up lines ngayong panahon ay ang modern version ng mga litanya ni Jose P. Rizal noon. Hindi man eksaktong mga salita, ngunit ang damdamin ay saktong-sakto, pag-ibig at paglalambing. At gaya noon, parehong-pareho pa din ang mga babae, madaling mapaibig ng malambing na binata. Ano pa ang inaantay mo? Magpakilig gamit ang mga sweet tagalog pick up lines na ito. Nakakatawa man ang iba, ngunit tiyak na nakakakilig pa rin. Ang collection ng sweet tagalog pick up lines na ito ay pwedeng i-send gamit ang mga cellphone at lalong maaari ding i-post sa mga Facebook at Twitter ng mabasa ng kapamilya kaibigan, crush at someone special niyo. Kaya pili na kayo ng pinakagusto ninyong tagalog pick up lines na sweet at makakapagpatibok ng puso ng inyong babaeng minamahal.

 

sweet pick up lines for girls

Gustong-gusto ng babae ang laging inaamo at nilalambing. Sa mga panahong hindi sila nabibigyan ng sapat na panahon ng kanilang boyfriend, madalas silang magtampo sa panlalamig ng bf. Ang dami-dami ng pumapasok sa isip nila, kesyo hindi na sila mahal o kesya may iba ng mahal ang bf nila. Nakow! Mga babae talaga, laging gustong bida. Totoo naman eh- sinasabi pa ng minsan sa mga lalake “Ang galing niyo lang sa simula kapag nanliligaw pa lang pero kapag girlfriend na ay bigla kayong nagbabago at nambabalewala ng mga kasintahan niyo. Haha. Sana nga naman ay huwag ganon guys. Kung gaano kayo kapursigido at ka-sweet noon, dapat ay mapanatili ninyo ito ng walang kung anu-anong naiisip si girlfriend. Keep the flame burning kumpaga.

Kaya naman, eto ang panimula naming pick up lines na tiyak magpapangiti at magpapakilig kay gf. Dagdag pogi points sa mga matatamis at malalambing na mga linyang ito. Good luck!

 

Kapag kasama kita, MAYAMAN ako

Kasi, MAHIRAP kapag wala ka.

 

 

 

 

May Calculator ka ba?

ADD mo naman ako sa mga MINAMAHAL mo

 

Paki Check nga yung RELO mo.

Baka ORAS ng maging TAYO!

 

Masasabi mo bang Ambisyoso ako?

kung gusto kong maging magka-Apelido tayo?

 

Masarap maging Tao at Mabuhay.

Pero mas masarap maging Tayo Habambuhay ;)!

 

Girl: Delayed ba ang text?

Boy: Nagreply na ko, bakit kaya delayed?

Girl: Aw, puno nga pala ung inbox ko pero nakareceive naman ako kanina. Haha.

Boy: Uhm Para palang pagmamahal ko yang inbox mo eh, NAGUUMAPAW.

 

Excuse me, tatanong ko lang kung didiretsuhin ko bang daan na ‘to,

O may ibang shortcut sa puso mo?

 

Boy: Asan ka kagabi?

Girl: Nasa bahay lang naming. Bakit?

Boy: Weh, di nga?

Girl: Oo nga, bakit naman?

Boy: Kasi hindi kita makita sa panaginip ko…

 

Handa akong takbuhin ang mundo…

Basta ang finish line sa puso mo

 

KAPE ka ba?

Kasi ginigising mo ang natutulog kong puso!

 

Sana BAYABAS ka na lang at ako naman si JUAN TAMAD,

Ok lang na wala akong ibang gawin, hihintayin na lang kitang MAHULOG sa akin!

 

Hindi naman kita kapangalan…

pero pag naririnig ko ang pangalan mo, napapalingon ako!

 

ahh miss treasure ka ba?….

kasi ang sarap mong ibaon!!!…..

sa PUSO KO:).

 

Alam mo para kang STAR!

ang dali mong mahalin pero ang hirap mong abutin!

 

Hindi ka ba naiingayan?

Bakit?

Kasi maghapon ka ng isinisigaw ng puso ko!

 

Hindi na kita babalikan.

Kase hindi naman kita IIWAN.

 

Tatawagan kita mamaya.

Para Sagutin mo ko.

 

yaw kitang maging CLASSMATE.

baka pedeng SOULMATE na lang.

 

Naiinis ako.

Kasi akin nga ‘tong puso ko,

pero tumitibok naman para sa’yo.

 

Huwag na huwag hayaang magkasawaan kayo. Lalo kung alam mong mahal na mahal ninyo naman ang isa’t isa. Bakit ba kayo naghahanap ng kasintahan? Para saan ba?

Sa mga lalaki : para lang ba may mahatid? may makadate? may mai-text? may maipakilala sa tropa? may maidagdag sa listahahan?

Sa mga babae: para may tighatid-sundo , idamay mo na ang libreng pamasahe? may mai-text?may sagot sa meryenda? dahil uso lang sa tropa?

Sana nga naman ay wala sa mga nailista sa taas ang rason kung bakit kayo nagkakaroon ng kasintahan, dahil kung ganon lang naku sakit lang ng ulo ang hanap niyo!

Kung hindi lang din kayo umaasam ng pangmatagalan na relasyon, eh huwag niyo ng balaking pasukin at baka ay masaktan lang kayo o hindi kaya naman ay ibang klaseng disgrasya ang abutin niyo. You know what I mean girls.

Gayon pa man, kami sa site na ito ay nais na mas maging kapanapanabik pa ang araw ng inyo pagsasama ng karelasyon mo. Itodo mo na ang pagpaparamdam ng pag-ibig mo sa kanya. Heto pa ang mga dagdag na nakakakilig na mga pick up lines.

Hanggang Kinsenas na lang kita mamahalin!

Para wala nang KATAPUSAN!

 

Sana baso ka na lang….

Para 8 times a day kitang nahahawakan

at nahahalikan.

 

Boy:Sana apelido ko na lang I Love You

Girl:ha…BAket

Boy:Para pagtinawag mo ko, “Mathew I love You”

 

alam mo, para kang ampalaya?

bakit?

kasi kahit anong pait ang naramdaman ko ikaw parin ang sustansya ko 🙂

 

Aanhin pa ang PAA mo…

Kung di ka naman lalakad sa altar, KASAMA ako!

 

Alcohol ka ba?

Bakit?

Germs kasi ako at 99.9 percent akong patay na patay sau.

 

Waiting shed kba?

kasi handa ako maghintay… para lang sayo.

 

Lakwatsera ka ba?

Kasi hanggang sa panaginip ko nakakarating ka.

 

Aanhin pa ang bahay na bato

Kung nakatira ka na sa puso ko?

 

Tatawagin mo ba akong bobo

kung ikaw lang ang nasa Isip Ko?

 

Badtrip!

Ano bang problema ng hangin?

At hindi ka matangay-tangay papunta sa akin!

 

Kung nagugutom ako at kelangan ko ng isang taong makakapagpabusog sa akin,

pwede ba kitang lapitan at sabihin..

“Pakagat naman kahit sa labi man lang.”

 

Sikreto ka ba?

Kasi di kita kayang ipagkatiwala sa iba

 

boy: magkaiba talaga kayo ni JOSE RIZAL..

girl: bakit?..

boy: kasi si RIZAL nasa Piso, Pero IKAW,..nasa PUSO ko..^^

 

May itatanong sana ako sayo eh,

apag pinagsama ba yung mga salitang ikaw at ako, magiging tayo?

 

Hindi mo na kailangan ng RELO,

Kasi handa kong ibigay ang lahat ng ORAS ko sayo!

 

Porke ba nerbyoso ako, kasi adik na sa kape?

Hindi ba pwedeng, nandyan ka kasi? 😀

 

Girl: Miss mo ba ako?

Boy: Ngayon, miss pa lang kita baka bukas, MISIS na kita!

 

Sana naging issue na lang ako sa “Failon Ngayon”

Para pwede kong sabihing, “Sa akin, may pakiaalam ka!”

 

Hindi maiiwasan na may mga away o kahit maliliit na away sa relasyon. Pero bakit ganon, kung gaano ninyo kamahal ang kasintahan eh minsan naman ganoon kadali ang magbitaw ng mga nakakasakit na salita. Alam nating kapag nakapagbitaw na ng sagad na salita ay hindi na mababawi ang lahat. Pinakamainam ay antaying maging kalmado ang parehong kampo, saka subukang mag-usap. Kung talagang mahal ninyo ang isa’t-isa, hindi kailangang magsigawan o magmurahan para pag-usapan ang mga bagay-bagay.

Madalas na rason sa tampuhan ay selos. Nakow! Pwede mo namang diretsuhin sabihin sa kasintahan mong, “Ui nagseselos ako, tigilan mo na yan”. E di dapat naiinitindihan niyang may dahilan ang pagpuputok ng butsi mo ‘di ba? Awat na sa tampuhan! Ika nga ni Kris Aquino na pinanganak ng Valentines day ay, “love love love!”

 

 

Ang dapat lang ba magselos ay yung “may karapatan?”

 

 

 

 

sana maintindihan mong ang pagseselos ay para din sa “may nararamdaman”

 

Ikaw ba si MAYA?

And MAYAri ng puso ko.

 

Rainbow ka ba?

Kase You Make My World Colorful After the Rain eh 😀

 

BOY: alam mo ba para kang SOLAR SYSTEM

GIRL: bkt?..

BOY: kc ikaw ang nagpapaikot sa mundo ko ♥

 

Sana ako na lang ang right hand mo,

Para tuwing national anthem ako ang nasa puso mo

 

Boy: babe, ano nga ba yung title ng kanta ni regine na

“Pangarap ko ang ibigin ka, at sa habang panahon ikaw ay makasama.

Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito?”

di ko kasi matandaan yung title eh..

Girl: ah.. PANGARAP KO ANG IBIGIN KA..

Boy: ay! pangarap ko din yan…

 

Hindi ko alam ang mahal na araw…

Kasi ang alam ko lang, MAHAL KITA, araw araw!

 

Ang GALING mo naman.. hindi mo pa ako binabato.

TINAMAAN NA AKO SAU.

 

Kapag nakatingin ako sayo, parang nakatingin ako sa MAPA.

Sa MAPA-pangasawa ko.

 

Superhero na sana ako!

Kaso nalaman nilang ikaw ang weakness ko!

 

BF: alam mo ba kung anong pangarap ko sa buhay?

GF: Hmm, yumaman at magkaron ng madaming kotse?

BF: Mali ka. Ang pangarap ko sa buhay ay sumakay sa jeep kasama ka..

GF: Yun lang?!

BF: at sbihing “bayad oh..dalawang senior”

 

Makukulong kaya ako kapag nahuli akong nagnanakaw ng tingin sa’yo?

 

Alam mo, para kang piraso ng puzzle.

Mawala ka lang, kailanma’y ‘di na ako mabubuo

 

Ang lagay ba eh, si boyfriend lang ang dapat na naglalambing at nanunuyo? Ayy sobrang disagree ako diyan! Ang mga guys kasi, gustong-gusto niyan na laging nilalambing at binebaby. Ramdam nilang ang gwapo-gwapo nila pag ganon, hahahaha (aminin!) Pero ‘di nga, ganon naman talaga hindi ba? Kapag may karelasyon ka, isip mo ikaw yung love na love niya at ikaw ang pinakagwapo at pinakamaganda sa paningin niya (pwera kapag itinabi ka na sa artista! (biro lang dudes). Ang ibig kong sabihin ay huwag naman sanang masyadong manang si girfriend. Kahit konti naman ang maging showy ka kahit sa pagbibigay lang ng mga pick up lines na ito. ayyy hahaba ng sobraaaaaa ang hair ni boyfriend niyo. Ito ay mga piling-pili na pick up lines na maari niyong gamitin kay boylet. Saan ka pa? Dito na at ang dami mong mapagpipilian. Go girl!

 

sweet pick up lines for guys

Di ko man maisigaw sa buong mundo kung sino ang mahal ko,

sapat ng alam natin pareho na ikaw ang tinutukoy ko.

 

 

 

ako MISmo?

ikaw rin, MISko.

GF: Babe, turuan mo naman akong magdota

BF: Bakit?

GF: Para malaman mo ang feeling ng pinagpalit ka sa dota.

BF: Ok sige, para malaman mo rin yung feeling ng natataranta pag nagtitext ka!

 

Girl: call a cop.

Boy: Bakit? ano nangyari?

Girl: kasi someone stole my heart.

 

Hindi naman ibig sabihin na kapag ikaw ang nagpi-pick up lines, eh ibig sabihin ikaw na yung “MAS” patay na patay sa relasyon niyo di ba? Kailangan ba talagang sukatin yun? Hindi ako naniniwala sa ganon eh. Kasi ang tendency magkaka-pride yung isa. Sasabihin, “ay hinding-hindi ko siya mamahalin ng sobra pa sa pagmamahal niya sa akin”.

Personal kong opinyon, wala namang sukatan ang love eh di ba? Wala lang kayong dapat gawin kung huwag magbago sa isa’t isat. Kung magbabago man, eh yung for the better. Loving more and not loving less.

Girls, eto pa ang mga dagdag na sweet na sweet pick up lines for boys. Ang cute2x pag manggagaling sa inyo. Oh di ba, kala ng boylet sila lang and pwede? Aba ay pwedeng pwede din kayong maging keso de bola for your boyfriends.

 

 

Walang permanenteng bagay sa mundo.

Kaya asahan mo, pagdating ng panahon apelyedo mo na ang gamit ko.

 

 

 

YM kaba?

kasi pag nakikita kita na papasigaw ako ng Yahoo! 😉

 

Nung sinabi ko sa sarili ko na hindi kita mahal, NABUSOG ako…

Kasi KINAIN ko lahat ng sinabi ko!

 

Balon ka ba?

Di na kasi ako makaahon…

Magmula nung nahulog ako sayo

 

maskara ka ba?

because maskara-pat dapat ka sa akin!!!

 

INSOMNIA ka ba?

Kasi di ako makatulog pag andyan ka!

 

Laging iisipin, kaya ka pumapasok sa isang relasyon ay upang makaramdam ng ligaya. Kahit pa may mga konting pagsubok or tampuhan, mas nangingibabaw dapat yung happy moments niyo sa isa’t isa.

Tandaan:

Kapag ang relasyon ay may mas madami ng sakit kesa sarap, ayyyy.. Hindi na yan healthy relationship. Itigil na yan. Yung existence niyo ay dapat para maging better ang bawat isa. Pero kung nakakasira lang kayo sa pagkatao ng bawat isa, again you’re not on the right track.

Stay in love and enjoy every moment with each other. You can’t find a perfect relationship but try to make the relationship work by mending the differences. Cheers! 🙂

hey babe, miss you and I’m ready for “FUN” na.

Meron na akong “F” and “N”,

“U” na lang ang kulang. 🙂

Be the first to comment

Leave a Reply